Chapter 28

1264 Words
Felia "Kailangan niya lang ng pahinga ng ilang araw," una kong narinig pagkagising ko. Boses iyon ng isang babae. Kahit nakapikit ay alam ko na kung nasaan ako. Amoy ay palang alam ko na. Matapos ang ilang minutong pakikipagusap ni Levy at ng babae ay lumabas na ito. Saka lang ako nagmulat ng mata nang masiguro kong naka labas na ang babae. Nakita ko si Tita na nasa pintuan. Pilit na sinisilip ang loob ngunit nakaharang si Levy. "Dapat kasi hindi mo muna siya pinapasok Levy," ani Tita. Tahimik lang ako. Inilibit ko ang paningin sa paligid. "What are you doing here? Can you please go somewhere? Hindi iyong nangugulo ka rito!" inip na wika ni Levy na halos itulak pa ang ina palabas ng pinto. "Sinasabi ko sa'yo Levy kasal muna bago baby! Pero okay lang kung nandiyan na wala tayong magagawa," huling sinabi ni Tita bago maisara ni Levy ang pinto. Kinuha ko ang unan na nasa tabi ko atsaka ko binato kay Levy. Tinamaan siya sa mukha at dahil doon ay matalim ang mga mata niyang tumingin sa akin. Pinulot nito ang unan na binato ko at inilang hakbang ang pagitan naming dalawa. Tumayo siya ng tuwid sa tabi ko at tinitigan ako. "Kita mo ang kalagayan ko ngayon?" I roared. "Dahil to sa'yo kaya huwag mo akong sungitan diyan!" mas matalim ang matang iginawad ko sa kaniya. "Ano'ng gusto mong kainin?" tanong niya, binalewala ang sinabi ko. Hindi man lang pinansin ang pag susungit ko. Inilapag nito ang unan sa gilid ko. Huwag mo nga akong tanungin niyan kung galit ka!" Umirap pa ako. I just don't like him acting plastic on me. It irritates me. "Kung galit ako hindi kita tatanungin, Felia." Kahit ano'ng lumabas na salita niya. Halata ko talagang galit siya. "Pasensiya kana, ha? Naabala pa kita. Umalis kanga diyan at uuwi na ako!" angil niya bago ko siya itinulak na hindi ko na sana ginawa dahil hindi man lang nagbago ang ayos niya, nakapamewang pa rin sa harapan ko. "Pwede bang tigilan mo yang ugali mong isip bata?" matalim ang mga salita niyang sinabi. Nanlaki ang mata ko at halos tumaas na ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Talagang ako pa ang sinabihan niya ng isip bata? Ako pa talaga?! "Hindi ako isip bata." may paninindigan kong sinabi. "Ikaw nga hindi lang isip bata, pati galaw mo pambayad rin!" bulyaw ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay parang hinahamon ako sa pamamagitan niyang iyon. "Tss. Huwag mong ibalik sa akin ang pagiging isip bata mo, Felia." Hindi ko na talaga kinaya iyong sinabi niya kaya kung nakakamatay man ang titig ay malamang bumulagta na siya. "Isip mo bata, galaw mo bata. Ugali at galaw bata gan'on ka talaga kung umasta!" "Patunayan mo kung ganon." "Ah basta, isip bata ka—" "Patunayan mo—" "Dumedede ka sa akin..." madiing sabi ko. Halos bulong na lang iyon nang ko pero alam kong narinig niya iyon dahil siya rin ay natigilan. Hindi ko na siya matignan ngayon dahil sa hiya. Ramdam ko rin ang pamumula ng buong mukha ko. At kasing bilis ng takbo ng kabayo ang kabig ng puso ko. "Pero nagustuhan mo?" siya na ang bumasag sa katahimikan. Gigil ko siyang nilingon. May nakakalokong ngisi sa kaniyang labi kaya mas lalong tumalim ang titig ko sa kaniya. "Okay na rin naman." Ako naman ngayon ang ngumisi. Siya naman ngayon ang nakakunot ang noo. "What do you mean by that, Felia?" "Okay nang pagtsagaan, may mas magaling pa nga at may mas masarap pa sa'yo!" I lied. I playfully smiled when I saw his killer eye. "Are you sure, Felia?" hamon niya at saka ito umupo sa sofa na nasa tabi ko. dumikwatro pa ito. "Walang makakapantay sa galing ko Felia and I know you now that." seryosong sabi niya. Umayos ako ng pagkakahiga bago lumunok ng malalim. I was just afraid he's right. Wala pa akong karanasan at siya ang una ko. What I said was pure lie. "May kayabangan ka palang tinatago, huh?' natatawang wika ko. Gusto ko nang tumigil sa paghagikgik dahil sa malalim niyang titig. "Marami ka pang hindi nalalaman, Felia. Kung interasado ka sabihin mo lang," nakangising saad niya. Pero alam kong may nabuo ng plano sa isip niya. Kung gusto mo ng laro. Pagbibigyan kita. Hinding hindi ko aatrasan ang isang laro kung alam kong dehado ako. "Ikaw, Levy? Masarap ba ako?" tanong ko. Nakakuyom pa ang dalawang kamay ko na nasa lob ng comforter na nakabalot ngayon hanggang sa bewang ko. "Ano?" hindi makapaghintay ng tanong ko nang umakto pa siyang nag-iisip. "Pwede na," he said without tearing off his eyes on me. "Ano'ng pwede na? Peste ka talaga. Ikaw ang nakauna sa akin kaya dapat lang na masarapan ka. At parang ikaw pa ang lugi ah!" bulyaw ko. "Hindi ka naman ganoon kagaling pero okay na pwede ng pagtsagaan—!" Napatigil siya sa pag sasalita at tumatawang sinangga ang unang ibinato ko sa kaniya. "Huwag kang mag alala hindi na tayo uulit sa s*x na iyon!" inis na sabi ko at umirap pa. "Make love hindi s*x —" "Tss. s*x lang iyon, hindi naman natin mahal ang isat isa kaya its just s*x, Levy. Huwag mong seryosohin." Tumatawang sabi ko. kumunot ang noo niya at malalim na bumuntonghininga. "Okay..." simpleng sagot niya. na ikinakulo ng dugo ko. "Okay? Iyan ang sasabihin mo. Okay? hindi ka man lang magagalit dahil sinabi kung s*x lang yon? Hindi mo man lang sasabihin na love making yo—" "Kahit ano'ng sabihin ko kung s*x na ang nakatatak diyan sa isip mo, hindi ko na kailangan pang makipagtalo sa'yo." aniya. Tila nangaasar dahil sa reaksyon niya. Alam kong gusto niya nang tumawa dahil halos mamula na lahat ng buong mukha niya sa kakapigil. "Subukan mong tumawa nakakatikim ka sa akin!" banta ko at matalim ko siyang tinignan. "Makakatikim ng ano?" "Suntok at sapak!" sabi ko. "Pero hindi yan ang gusto kung makuha mula sa'yo!" ani na may pinapahiwatig. "Hindi na ako makikipag s*x sa'yo!" gigil kung wika. He chuckled. "That's not what I mean, pero pwede naman," tumatawang wika niya. Nagkibit din siya ng balikat. Tinampal ko siya sa braso at kinuha ang unan para sana ihampas sa kaniya. Pero agad niyang sinangga dahilan ng pagkainis ko. Nang makuha ang unan mula sa kamay ko ay ibinato niya ito sa sofa. "Alam mo, Levy? Ikaw ang sumira sa pangako ko sa sarili ko." Wala sa sarili kong sinabi. "Really?" "Oo. Pinangako ko sa sarili ko na sa taong mahal ko at maging asawa ko lang ibibigay ang sarili ko, pero ikaw... kinuha mo ng walang kahirap hirap," mayabang kong wika. "Hindi naman nasira, natupad mo nga, e." sagot niya. "Ano'ng natupad? Peste ka hindi naman kita mahal—" "Really? Pero bakit ganon mo nalang kadaling binigay ang sarili mo sa akin, Felia?" he asked. Napalunok ko ng malalim. Mapupungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "I'm not inlove with...you!" matapang na Ana's ko. Sobrang lapit niya sa akin. Naamoy ko ang paborito kong pabango niya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na amuyin siya. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko iyong amoy niya. "Hindi yan ang nakikita ko, Felia!" his voice thundered inside the room. "Pakialam ko sa kung ano ang nakikita mo basta hindi kita mahal!" Irap ko. Naging seryoso ang itsura niya nang lumayo siya sa akin. Walang anumang salita siyang lumabas basta na lamang lumabas. I reminded myself what's my aim on doing and saying those words to him. Remember, Felia. Remember your aim. Itutuloy-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD