Felia
"Si Levy?" tanong ko sa kasambahay nila Levy na naatasang magalaga sa akin sa araw na ito.
Inilapag nito ang pagkain ko at saka matuwid na tumayo sa harapan ko.
"Nasa guests room po, ma'am," aniya sabay ngiti sa akin.
Umirap ako. At saka inis na tinanggal ang comforter na nakabalot sa katawan ko. Agad naman akong pinigilan ng kasambahay kaya tinignan ko siya ng masama dahil doon ay bumalik na lang siya sa pagkakatayo ng tuwid.
"Sabihin mo sa buwisit na Levy na iyon na isa siyang SPG!" madiing anas ko, ngunit hindi man lang natinag ang kasambahay kaya naman napasigaw na ako.
"Go!" sigaw ko na ikinagulat niya. Nagmamadali siyang lumabas.
Tatlong araw na niya akong hindi pinapansin at hindi kinakausap. Simula kasi nung araw na dinala niya ako dito. Matapos kung sabihin na hindi ko siya mahal ay basta na lang siyang lumabas nang walang salita akala ko ay kukuha lang siya ng pagkain pero katulong na lang ang nagdala kalaunan. Ilang oras akong naghintay sa kaniya pero hindi siya dumating. Sabi naman nina Tita ay sa guestroom daw siya natutulog at ang mga damit niya ay pinapakuha niya na lang sa mga kasambahay.
Napasabunot ako sa aking buhok bago inis na kinuha ang picture ni Levy na nakalagay sa side table nito. Nakalagay ito sa mamahaling frame. Kulay at hitsura palang alam mo nang mahal.
"Buwisit ka isa kang SPG!" gigil kong dinuro duro ang litrato ni Levy. Hindi ako madadaan sa guwapo niyang mukha.
"Isa kang SPG...SP—"
"Ma'am!" boses ng kasambahay na nag-aalaga sa akin.
"What?" iritado kong baling sa kaniya.
"Ano raw p-po yung... SPG?" alam kong kinakabahan siya kahit na hindi ko siya nakikita dahil halata naman ang nanginginig na boses niya.
"Isa siyang shitangina, peste, at gago!" madiing sigaw ko.
"Y-Yes, ma'am!" natataranta niyang tugon.
"Sabihin mo iyan sa kaniya with feelings para damang dama niya. Now go!" sabi ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at saka tinawagan si Grandpa. Ilang ring bago niya sinagot. Hanep rin itong isang matanda na ito. Ako pa ang pinag-aantay.
Nang sinagot na nya ay ilang minutong walang nagsalita sa amin.
"Hello?!" gigil kong wika. Ako na ang naunang nagsalita at talagang hindi papatalo itong matanda na ito.
"Hmm?"
Bwisit talaga, e.
"Hello, Grandpa." mahinahong wika ko pero nanggigigil na ako sa kaloob-looban ko.
"Yes, apo?" ginaya niya ang tono ko.
"Sasakyan ko na lang ang ipadala mo hindi na ang mga damit ko kas—"
"Kailangan mong magpahinga at saan ka pupunta at bakit ko ipapadala ang kotse mo diyan?"
"Just do it!" halos isigaw ko na iyon.
"Aba bastos ka talagang bata ka!"
"Tss. Sa'yo ko 'to namana, 'no? Okay bye, Grandpa!" huling sinabi ko bago ko pinatay ang tawag.
Pagkababa ko ng cellphone boses ng katulong na utusan ko ang narinig ko sa labas.
"Nasabi ko na po, ma'am!" Saad niya. Tila tuwang-tuwa pa sa sinabi nito.
"Then, nasaan siya?"
"Nandoon pa rin po sa guestroom, ma'am." hinihingal niyang anas.
Lintik na Levy na iyan. Talagang sinusubukan ako. Dapat nandito na siya para pigilan akong umuwi.
"Sinabi mo bang uuwi na ako?"
"Yes, ma'am!"
I rolled my eyes in annoyance.
"Argh! Get out!" inis na sigaw ko, itinuro ko pa daan palaba sa silid.
Ilang minuto akong nag-ayos ng mga gamit ko. At sa minuto na iyon ay walang Levy ang nagpakita. Pagbaba ko ay naroon na sa sala si Mrs. Hydari.
"What happened, hija? Bakit dala mo na ang mga gamit mo?" kunot noo niyang tanong.
"Uuwi na po ako Mrs. Hydari thank you po sa papapatuloy sa akin dito at sa pagaalaga. Pasensiya na po at naabala ko pa po kayo!"
"Ano ka ba, Felia? Sabi ko sa'yo Mommy na ang itawag mo sa akin. At isa pa hindi ka naman nakakaabala, kung gusto mo dito ka na tumira ganun rin naman ang mangyayari kapag kinasal na kayo ni Levy!" alu niya sa akin.
"Okay na po ako tita uuwi na po ako." I smiled to her.
Baka kasi mapatay ko yang anak mo ng wala sa oras. Bulong ng isip ko. Nagiging masama talaga ang timpla ng ugali ko kapag naiinis ako, e. Kaya mabuti na iyong ako na ang iiwas para naman kahit paano ay maligtas ako sa kasalanan.
"May dalawang araw ka pa para magpahinga, hija. Kaya bakit uuwi, ka na?"
Kasi nga baka mapatay ko iyang anak mo. Ulit ulit naman to.
"Sa mansion na lang po ako magpapahinga." matabang kong tugon.
"Puwede naman dito, have. Bak—"
"Let her, Ma," wika ng kadarating lang na si Levy.
Nakapambahay lang siya. Linggo ngayon kaya walang pasok.
"Ano ang ginawa mo rito kay, Felia, ha Levy?" naka pamewang na tanong ni tita.
"Kung gusto niyang umuwi, let her, huwag pilitin ang taong ayaw papilit." seryosong wika ni Levy bago pumasok sa kanilang kitchen.
"Aba, bastos kang ba—"
"It's okay, Tita—"
"Hindi okay kaya maupo ka muna diyan at kausapin ko lang ang ugok kong anak!" nagpuyos na ani Tita. dali-daling umalis pa ito. Naiwan akong nakatanga roon.
Santo namang nakatanggap ako ng tawag mula kay Grandpa. Ilang segundo muna ang aking hinintay bago ko sagutin.
"Tagal sumagot!" bungad niya .
Naiiling akong napangisi. Siyempre, babawi ako.
"So?"
"Whatever," untag niya.
"Huwag ka ngang feeling millennial diyan, grandpa. Puti na ang buhok mo at uugod ugod kana ka—"
"Napaka bastos mo talagang ba—"
"Ulit ulit—"
"Tss hindi ko maiipapadala ang kotse mo ngayon diyan at walang mag hahatid—"
"What the heck? Sangkatutak ang driver at tauhan natin grandpa bakit ni isa walang maghahatid? Really? Ano yon sabay-sabay silang tumatae at—"
"Basta walang maghahatid. Magpahatid ka nalang kay Levy o kaya wag ka munang umu—"
"Tsss. Bye!" huling sabi ko at saka in - end ang tawag.
Tatayo na sana ako nang biglang dumating si Tita. Umupo siya sa tabi ko atsaka nakangiting hinawakan ang kamay ko.
"Sigurado ka na bang uuwi ka na?"
"Oo naman po. Okay na ako tita. Marami pa po kasi akong kailangan habulin about sa school, ilang araw po kasi akong hindi nakapasok kaya—"
"Huwag ka muna kayang umuwi? Dito mo nalang gawin para matulungan ka ni Levy Para makapag-bonding pa kayong dal—"
"Let's go, Felia! " seryosong wika ni Levy na basta nalang kaming dimaanan at nauna nang lumabas.
Pilit ang mga ngiting nilingon ko si Tita. Alam kung gusto niyang magtanong kung bakit ganon ang inaasal ng kaniyang anak. Alam kong ilang araw niya na kaming napansin na ganito na hindi nagpapansinan ni Levy. Pero imbes na magtanong ngumiti siya at inalalayan niya akong maglakad sa pamamagitan ng paghawak ng braso ko.
"Bakit kasi uuwi ka pa? Pwede ka namang magpahinga dito." pagsubok niya pa rin.
"Okay lang po, tita. Wala na akong nararamdamang sakit kaya okay na ako..." pilit along ngumiti muli.
"Tss. Bakit kasi ang aga nitong ginawa ya—"
"Ma!" madiing wika ni Levy na akala namin ay nasa labas na. Nasa front door palang pala ito at nakapamewang na nakatingin sa amin.
Kitam? Bastos talaga.
"Alalayan mo nga itong asawa mo, Levy. Hindi iyong nakatayo ka lang diyan!" utos ni Tita.
"Okay lang po, tita. Sige po alis na po ako. Salamat po ulit!" paalam ko. Hinagkan ko siya sa pisngi at asaka naglakad paalis. Si Levy ay nasa harapan ko. nakapamulsang nag lalakad.
"Hindi mo na ako kailangang ihatid!" angal ko sa kaniya.
Pero patuloy parin siya sa paglalakad. Tila walang naririnig. Kung ganon man bakit hindi nalang siya matuluyang mabingi.
Pumarada ang sasakyan ni Levy sa harapan namin. Lumabas doon ang butler niya. Binuksan naman ni Levy ang pintuan ng driver seat at isinignal na pumasok ako sa loob.
"Sabi ko hindi mo na ako kailangang ihatid!" bulyaw kong muli. Nakakrus ang mga kamay sa aking dibdib.
"Hinayaan na nga kitang umuwi pati ba naman sa paghahatid matigas parin ang ulo mo?"
"Tsss. Wala ka namang magagawa kung uuwi ako o hindi at kung matigas ang ulo ko ikaw naman ay isang manhid!"
"Hindi kita tinanong."
Kitam ang bastos talaga!
Itutuloy-