Chapter 30

1453 Words
Felia Tahimik lang kami habang nasa loob ng sasakyan. Walang gustong magsalita. Abala siya sa pagmamaneho habang ako naman ay abalang pinapanood ang mga iba't - ibang tanawin sa labas ng bintana. Ilang minuto na ang nagtagal pero hindi pa siya nag sasalita kaya malalim akong napabuntong hininga. Ako ba ang mali? Ako ba ang may kasalanan? Kung ako? Ano'ng mali sa akin? Ano'ng kasalanan ko? I got pissed. Siguro nagsawa na siya sa akin. Ayaw niya na sa akin. Kasi nakuha niya na ang virginity ko. "Pumayag kalang bang maging engaged tayo para makuha mo lang ang virginity ko? Nagsinungaling ka ba nung sinabi mong gusto mo ak— fuckkk! " sigaw ko ng bigla niyang ipreno ang sasakyan. Mabuti nalang at naka seatbelt ako. "The heck are you talking about? Is that how you think of me? Sa tingin mo ba iyon lang ang habol ko sa'yo?" tuloy tuloy niyang sinabi. I was surprised when I heard him talking. Akala ko ay hindi na siya mag sasalita o kakausapin. Akala ko bababa siya at bubuksan ang pintuan at hihilain ako palabas, iiwan ako sa gitna ng daan. "Ikaw ang manhid dahil hindi mo maramdaman na galit ako sayo at nagtatampo ako sa'yo dahil hindi ko alam kung bakit hindi mo na ako kinakausap o tinitignan man lang. Ni hindi mo nga ako kinakamusta kung okay na ako o kung magaling na ako. Hindi ko alam kung bakit ka nag kakaganiyan!" I exclaimed on his face. "See? Hindi mo alam kasi ang manhid mo!" He muttered a curse. Halos kagatin ko na rin ang dila ko para lang pigilan ang sariling magsabi ng mga masamang salita. "Then tell me. Sabihin mo sa akin para alam ko kung anong dahilan mo para alam ko kung bakit ka nagkakaganiyan hindi iyong iniwasan mo ak—" "Nagseselos ako!" his words cut mine. Natigil ako at napatanga sa mga salitang binitiwan niya. "W-What?" My voice trembled. "Tss. Manhid na bingi pa." he then rolled his eyes. "Whatever!" wika ko atsaka itinuon ang atensyon sa labas. Lalaitin pa talaga ako. Buwisit. Umayos ako ng upo, patalikod sa kaniya. Pinag-krus ko ang aking mga braso sa aking dibdib para yakapin ang aking sarili. "I'm jealous..." Levy said, almost like a whisper but gladly I heard it. Nahigit ko ang aking hininga at ang mga mata ay nanlalaki nang dahan-dahan ko siyang lingunin. "What did you just say?" napakurap-kurap pa ako. I just got a glare instead of an answer. "Talaga? Tss. Kanino ka nagseselos kung ganon?" taas noo kung tanong nang nakabawi na sa pagkakagulat. "Nagtanong ka pa." sagot niya. Deretso lang ang tingin niya sa harapan, hindi alintana ang mga tunog ng mga nag bubusinqng sasakyan sa likod namin. "Igilid mo tong sasakyan!" tinuro ko sa bandang walang masiyadong tao. He let out bored sigh. Bago niya paandarin muli ang sasakyan at iparada sa gilid. Nang maayos na maiparada ay tinangal nito ang seatbelt niya at humarap sa akin. Shocks naalala ko na naman itong scene na to. Mag aaway kami tapos mapupunta lang pala sa lambingan. Sana maulit. Wait.... what? Napapikit ako sa mga naiisip. Tumigil ka nga Felia hindi ka pa nga lubusang magaling, humihingi ka na naman ng isa. "What are you thinking?" he asked, gentler than his voice before. "Nothing." I said and shrugged my shoulders. Nagulat kami nang may biglang kumatok sa bintana ni Levy. Napairap ako ng makita kung sino. Pati ba naman dito nasusundan kami pa kami? "Open it!" utos ko sa nakatitig parin na si Levy. Hindi man lang nagabalang lumingon kung sino ang kumakataok sa bintana niya. Hindi niya ba naisip na baka masamang tao yang nasa labas. Binuksan niya yon habang nakatingin parin sa akin. Nang tuluyan nang mabuksan ay saka lang niya nilingon ang tao sa labas. "Hi, Levy! Nakita ko itong sasakyan mo kaya pinuntahan na kita para, ibigay to sa'yo nakalimutan kong iwan to sa'yo kanina!" ani Grace. May inabot siyang flash drivena agad namang kinuha ni Levy. Nagkita silang dalawa kanina? Magkasama sila nang wala akong kaalam-alam? "It's okay. Ako nalang ang tatapos nito mamaya," he said politely. "Ah... Can I ask you a question?" nahihiyang tanong ni Grace. Tss. Nagtatanong na nga siya. Ano pa bang ibang tawag non? Tumango lang si Levy. Ako naman ay kanina pa nakakuyom ang mga kamao sa pagpipigil kong magsalita. "Puwede bang mag dinner tayo mamaya? Doon na lang rin natin pag-usapan ang mga gagawin natin about sa act," Kagat labi niyang sinabi. Tumaas ang kilay ko at mas lalong ikinuyom ang mga kamay. Nanggigil na ako sa babaeng ito, ha? Sinasabi ko na nga ba ang landi niya kapag wala ako, e. Atsaka bakit si Levy lang ang inaaya niya? Siya lang ba ang ka grupo niya? Hello? Kagrupo rin niyo ako. "Okay susunduin ko na lang si Felia mamaya!" sagot ni Levy. "Diba may sakit siya? Okay lang kung magpahinga muna siya..." tunog concern na saad ni Grace na ikinairap ko. Concern pero ang totoo gusto lang na huwag isama para masolo nila ang isat isa. "Okay." maiksing sagot ni Levy. Pagkatapos mag paalam ni Grace ay agad niyang sinara ang bintana atsaka ako nilingon. "Nagkita pala kayo kanina? Kaya pala hindi mo ako pinupuntahan kasi kasama mo si—" "Inayos lang namin yong script," tamad na tamad niyang pagpapaliwanag. Napipilitan lang siyang magpaliwanag dahil alam niyang hindi ako titigil hangga't hindi ako masasatisfied sa sagot niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" I fired. "Sabihin mo gusto niyo lang masolo ang isa't-isa kay—" "It's not what you think, Felia—!' "Ano'ng hindi? Nasa isip ko na ang mga ginagawa niyong kalandian. Sa landi ng babaeng iyon hindi malayong may nangyari na sa—" "What?!" Gulat niyang usal. "Talagang iyan ang iniisip mo? Sinabi ko naman sa'yo na script ng play natin ang inayos namin bakit ganiyan ka kung mag isi—" "Kasi simula palang siya na ang gusto mo!" sigaw ko na ikinatahimik niya. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin. "Diba? Siya naman talaga ang gusto mo? Pumayag ka lang naman na maengage sa akin dahil iyon ang kasunduan at nakulitan ka sa akin dahil sa paulit ulit kong pamimilit sa'yo, di ba?" tanong ko na ang tingin ay nasa labas. Ramdam ko ang titig niya sa akin. Kaya mas lalo kung iginilid ang mukha ko para hindi niya makita ang pag daloy ng mga luha ko. Huminga ako ng malalim at saka pasimpleng pinahid ang aking mga luha. Talagang iiyak ako? Talagang iiyakan ko siya? Hindi naman ako iyakin pero bakit pag dating kay Levy napaka iyakin ko at napakadali kong umiyak? Hinawakan niya ako sa mukha para maipaharap sa kaniya. Pinikit kung huwag lumingon sa kaniya pero hindi ko alam kung ano ang meron sa kaniya na ganoon kadali niya na lang akong mapasunod. Lalo akong naiyak nang siya na mismo ang nagpahid ng mga luha ko. Hinalikan niya ang mata ko pagkatapos ay pinahid ulit ang mga luha ko. "I'm sorry, okay?" malambing niyang wika. He looked so sexy with any expression. Nakakainis! I gasped when he dipped his head until our faces where only a few inches apart. I inhaled his scent. He smell so good and manly. Fuck. I'm addicted with the smell of his fresh mint breath. "Fuck... My Fiancé is jealous, huh?" he chuckled. Tinutudyo niya ako sa pamamagitan na paglapit ng labi niya sa labi ko. Ilalapit niya at basta nalang niyang ilalayo. The nerve of this guy. Talagang binibitin ako. "Your so full of your self Levy, bakit naman ako magseselos?" I raised an eyebrow at him. Tumigil na ako sa pagiyak ngayon. Natawa siya habang tinitignan ang bawat parte ng mukha ako. Like he's analyzing me. Hindi ko alam pero gustong gusto ko tuwing titignan niya ako sa ganitong paraan. "Because you love me..." he sounded so proud when he said that. "Aww really? Sino nagsabi sa'yo niyan?" I said and put my hand over my chest where my heart is. "Hindi ko kailangan ng kahit na anomang salita para malaman kong mahal mo ako o hindi Felia. I have my ways, always remember that, hmm?" he looked like his annoyed but was explaining himself. Lumayo ako. I Tucked the strand of my hair behind my ears. Then I just chuckled and cross my arms over my chess. "Talaga?" I asked and smiled at him seductively. Isinukbit ko ang aking dalawang braso sa leeg niya. Inilapit ko ang mga labi ko sa labi Niya tulad nang ginawa niya sa akin kanina. "Tama ba ako hmm, Felia?" he whisper with a husky voice. I bit my lower lip. Then smiled nonchantly. "You're right." I said before claiming his lips. Itutuloy-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD