Felia
Pagkahatid ni Levy sa akin sa bahay ay agad siyang umuwi dahil meron daw silang importanteng pag-uusapan ng kaniyang ama.
Hinatid niya ako hanggang sa kuwarto, pagkatapos ay hinagkan niya ako sa nuo bago ito umalis.
Ilang oras na ang nakalipas at heto nakahiga pa rin ako sa aking kama. Katatapos ko lang manuod ng dalawang action na movie. Medyo na aasar na ako dahil hindi man lang mag reply sa text ko si Levy. Ganon ba kahaba ang pinaguusapan nila ng kaniyang ama nang hindi man lang maka-reply sa akin ng kahit isa man lang na salita?
Ang last message niya sa akin ay noong sinabi niya ang oras at kung saan sila magdidinner ni Grace, iyon lang.
Siyempre sasama ako. Hindi ko bibigyan ng pagkakataon ang babaeng iyon na landiin ang fiancé ko.
Muli akong nagtipa ng bagong mensahe para kay Levy. Mabasa man niya o hindi bahala siya sa buhay niya.
To Tukmol:
Hoy, Tukmol. Sasama ako mamaya sa dinner niyo ni Grace. Huwag ka ng umangal pa dahil magaling na magaling na ako. Sunduin mo na lang ako kung gusto mo. Kung ayaw mo naman. I can manage pa rin kaya wala kang takas.
Nang ma-isend ay agad akong tumayo. Naglakad ako at pumasok sa banyo para maligo. Alas siete palang naman ng gabi at may isang oras pa ako para maghanda. Alas otso kasi ang tinext sa akin ni Levy.
Kung hindi siya papayag na sumama ako. Bahala siya dahil alam ko naman kung saang lugar sila magdidinner.
Nagtagal ng kalahating oras ang pagligo ko dahil nasarapan ako sa pagbabad sa bathtub na may tubig na maligamgam. Medyo bumuti na ang pagitan ng hita ko ngayon at kaya ko nang maglakad ng maayos.
Naka bathrobe akong lumabas sa cr. Eksakto namang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot nang nakita kung sino ang tumatawag.
"Oh, tukmol. Saan ka na?" ako ang unang nagsalita.
"Tss. Saan mo ba napupulot ang mga salitang yan, Felia? Kung ano-ano'ng sinasabi mo!" malasahan ko sa kaniyang boses ang katabangan.
"Wala kang paki, tukmol!" humagikgik pa ako.
Rinig ko ang pagbuntonghininga niya sa kabilang linya. Wala akong ibang naririnig kundi ang paghinga niya.
"What happened?" I asked.
"Nothing," maiksing sagot niya.
"Tss. Nabasa mo ba yong mga text ko sa'yo?" tanong ko habang naglakad patungo sa dressing room ko. Nag simula akong mamili ng damit kong isusuot.
Sa Five Star Restaurant pa nagpareserve ng dinner si Grace. Talagang nage-efort pa. Tss. Humanda siya sa akin mamaya.
"Oo, nabasa ko," aniya.
"Ano'ng sagot mo?" Kagat ang labi kong naghintay sa kaniyang sagot.
Kinuha ko ang fitted black croptop atsaka ang black mom jeans na naka hanger. Kinuha ko rin ang denim jacket ko.
Hindi ako mag didress o kahit na anumang damit na formal. Mas gusto ko yong kumportable ako. Yong kahit na ano'ng galaw ko ay magagawa ko ng hindi iniisip kung masisilipan ako.
Paano nalang kung may biglaang laban. Dapat laging handa para kahit ano'ng oras ikaw ang magwawagi.
"No."
I was taken aback by his response. Kumunot ang noo ko at kaagad umangal.
"Anong no? Talaga bang ganiyan ka sumagot? Napaka-iksi, tamad na tamad. Wala ba akong kausap?" kumunot ang nuo ko.
Siya lang naman ang ganito kaiksi kung sumagot sa akin. Ang iba ay kahit hindi kinakausap ay sumasagot. Si Levy ay kailangan mo pa atang bilhin ang boses niya kung gusto mo ng mahaba habang usapan.
"Hindi ka sasama."
"What?" I reacted violently.
Inilapag ko ang mga damit sa aking kama at saka umupo sa harap ng dresser ko. Ini loud speaker ko ang cellphone ko nang maibaba ko ito.
"Magsalita ka nam—"
"Hindi ka sasama."
"Bakit hindi?" taas ang kilay na tanong ko.
"Kasi sinabi ko," he said coldly.
"Sinabi ko ring sasama ako!" may paghahamong wika ko.
"Hindi ka sasama and that's final." he uttered with finality.
Halos umusok na ang ilong at tainga ko sa sinabi niya. Punyeta hindi talaga siya papatalo, e.
"Ano ang rason kung bakit ayaw mo akong isama? Kailangan mo aking makumbinsi sa rason mo!"
Tinangal ko ang tuwalyang nasa ulo ko. Kinuha ko ang hairbrush ko at nagsimulang mag suklay. Kulay brown ang kulay ng buhok ko at kulot ang dulo nito hanggang bewang na ang haba kaya naman ay medyo nahihirapan na ako sa pagsusuklay.
"Hindi ka pa nga magaling!"
"Tss. Kaya ko nang makipag suntukan Levy, at ano mas magaling ka pa sa akin, ako ang nakakaramdam hindi ikaw kaya huwag mong gamitin sa akin ang rason na iyan para hindi mo ako papasamahin at hindi naman itong nasa gitna na nasa pagitan ng mga hita ko ang gagamitin doon Levy kaya bakit ito ang irarason mo ha?"
Natahimik siya. Kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Bakit hindi mo na lang sabihin ng diretsahan sa akin na 'Felia huwag ka ng sumama para masolo namin ang isat-isa, dinner date iyon para sa aming dalawa lang iyo—"
"Okay fine. Susunduin kita magbibihis lang ako, and could you stop it with that kind of thought?"
Napangisi ako. Hmm... yun naman pala, e.
"Sige, maligo ka ng mabuti at magpabango para naman hindi madisappoint yong babae m— este si Grace!"
Gusto ko sa akin siya madis apoint mamaya. Gusto kong makita ang mukha niyang gulat at nanghihiyang kapag nakita ako.
"I call you later, then."
"Okay bye, tukmol!" tumatawang wika ko. Huling narinig ko ang pagdaing niya bago ko patayin ang tawag.
Excited ko ng makita ang magiging reaksyon ni Grace kapag makikita ako. Humanda pa siya sa nga gagawin ko mamaya. Sigurado akong magugustuhan niya ang mga iyon.
Nakangiti ako habang tinitignan ang aking repleksyon sa salamin. I smirked playfully.
Nang matapos sa pagbibihis ay agad akong nagayos. Nag lagay ako ng kaunting make up sa aking mukha at hinayaan lamang na nakaladlad ang aking buhok.
Kahit na ganito ang ayos ko ay alam kong marami paring mabibighani sa ganda ko. Simple pero may dating.
"What you took so long?" nagulat ako nang narinig ko ang boses ni Levy. Napabangon ako sa pagkakahiga sa aking kama.
Naka krus ang dalawang braso nito sa kaniyang dibdib. Mariin itong nakatitig sa akin. Nagtataka kung bakit hindi pa ako bumaba mula kaninang ng sinabi sa akin ng kasambahay na nariyan na nga siya at naghihintay.
Lagpas trenta minuto na kasi kaming late. Talagang sinadya kong magpatagal dahil isa ito sa plano ko para magmaktol si Grace.
Kinusot ko ang aking mata at humikab. Umaaktong bagong gising. "Kanina ka ba riyan? Nakatulog ako sa paghihintay sa'yo ang tagal mo kasi!"
He rolled his eyes and tsked. "Let's go." mariing wika niya at nauna nang lumabas. Kaya tumawa ako ng malakas at saka ako tumayo para kunin ang bag at cellphone ko.
Nang bumaba ako ay naabutan ko si Levy at Grandpa na nag-uusap.
"Ano ba't pinaghintay mo itong si Levy ng napakatagal!" aniya nang nakakunot ang noo. Kung wala lang si Levy rito ay bubulyawan niya ako.
"Naka idlip lang ako, Grandpa. Kita mo itong si Levy hindi nga nagrekramo ikaw pa na hindi kasama ikaw pa ang nagrereklamo!" pang aasar ko. Napakagat labi ako nang panlakihan niya ako ng mata.
"We're going, Sir." paalam ni Levy.
"Hijo, tawagin mo na lang akong gwapo keysa diyan sa sir na iyan!" kunwari ay nasasaktan na ani Grandpa.
"Mahirap naman iyon kay Levy Grandpa. That's a lie. Liars go to he—" sabat ko.
"Ano ba talagang pakialam mo at bakit naman sumasabat ka pa?"
"Hindi ka naman gwapo!" ani ko sabay tawa. Agad akong tumakbo ng inambahan niya ako ng hampas.
Humahagikgik akong naghintay sa tabi ng kotche ni Levy. Ang ganda talagang asarin ng matandang iyon. Tss.
Ilang segundo lang ay dumating na rin si Levy. Binuksan niya wng pinto ng kotche niya kaya pumasok na ako. Pagkasara ay agad siyang umikot para sumakay.
"Pilya." he chuckled. At pinaandar na ang makina ng kotse at nagsimula ng magmaneho.
Tignan ko lang kong makaka hagikgik ka pa mamaya sa gagawin ko.
I smirked devilishly as I formulate plans on my head.
Itutuloy-