Felia
Pinarada ni Levy ang kotse sa harapan ng restaurant. Agad siyang bumaba. Pinigilan nito ang lalaking magtatangkang magbubukas ng pinto ko.
Seryoso ang mukhang binuksan niya ang pintuan sa side ko. Hinawakan niya ang braso ko para maalalayan akong lumabas.
Ikinawit ko ang aking braso sa braso ni Levy. Nang pumasok kami sa loob.Wala naman siyang sinabi kaya nagkibit-balikat nalang ako.
Pagpasok namin ay halos lahat ng taong naroon ay nakuha namin ang atensyon. May bahagyang napatigil pa sa kanilang ginagawa para lang tignan kami.
What a nice view, huh?
"This way, sir..." wika ng nakangiting waitress.
Hindi na kami tinanong kung ano-ano pa dahil kilala na rin naman kami ng halos lahat. lalo na itong kasama ko.
"Tsss. Exuce me! Lumalandi ka talaga sa oras ng trabaho mo?" inis na wika ko.
Napatigil sa pag ambang pag bukas ng pintuan ang waiters. Nabitin ang pagkakangiti nito ng nilingon ako. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Pardon, ma'am?" mahinahon niyang saad.
"Felia." banta ni Levy at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"Nakikita mo itong braso kong nakasukbit sa braso niya?"
"Yes Ma'am." Nakita ko kung paano siya hirap na lumunok.
"Nakikita mo naman pala pero may gana ka pang landiin siya." madiing wika ko.
"Pasensiya na ma'am kung ganon ang dating sa iyo pero sa totoo lang po ay hindi ko po nilalandi si Mr. Hydari—'
"Talaga? Hindi mo nilalandi? Gusto mo bang itong braso ko ang isukbit ko sa leeg mo—"
"That's enough, Felia!" pigil sa akin ni Levy. Tinignan ko siya ng masama. Agad niyang nilingon ang waitress at tinanguan ito.
Binuksan nito ang pintuan. Napabuntonghininga pa ng alalayan akong pumasok ni Levy. Agad kung inilibit ang paningin sa paligid. Kung maganda na kanina ang nakita ko pagpasok ko pa lang ay mas maganda itong kinaroroonan namin ngayon.
Nakangiting tumayo si Grace pero bahagyang napatigil ng makita ko. I playfully smirked and wave my hand for her.
Kami na ang lumapit ni Levy. Naka kawit parin ang braso ko sa braso niya. Napangisi ako ng makita ko ang pagtagal ng titig ni Grace sa braso naming magkadikit ni Levy.
"Good evening, Grace..." Bati ko.
"Good evening. Bakit nandito ka— I mean diba hindi kapag masiyadong magaling yon ang sabi ni Levy sa akin kaninang magkita kam—"
"Ayaw mo bang nandito ako?" kunyari ay malungkot ako.
Agad naman siyang umiling. Ngumiti siya. Pero alam kong pilit lang ang mga iyon. Napangisi ako nang makita ko ang inggit sa mga nata niya nang hilahin ni Levy ang upuan ko. Para makaupo ako.
Hindi yata ako titigil sa pag ngisi ngayon. Masaya ako sa nakikita kong reaksyon ni Grace. Huwag kang magalala mas aasarin pa kita.
"You can sit here," ani Grace turo nito ang upuang nasa tabi niya.
Ano uupo suya diyan ? Tatanggihan niya yang babaeng yan? Subukan niya lang na umupo sa tabi niya. Hindi niya magugustuhan ang gagawin ko.
"I'll sit here," ani Levy atsaka umupo sa gitna namin.
"Mabuti at nakasama ka?" pilit ang mga ngiti ani Grace sa akin.
"Menu, Ma'am, Sir." nakangiting inilapag ng waitress na iba na ngayon ang menu sa lamesa.
Kaya pasimple kung tinignan kung may dala pa bang ibang mga gamit si Grace na abalang nakatingin sa menu. Wala na akong iba pang nakita maliban sa shoulder bag at laptop niya.
Siguro ay dinner date talaga ito. Dinahilan niya lang na para sa project para pumunta si Levy.
"I'll have the Italian Carbonara and Green Salad," ani Grace sa waitress na agad naman nitong isinulat sa maliit niyang notebook.
Napatigil ako sa pagsulyap ng bahagyang tumikhim si Levy. Dahil doon ay napabaling ang tingin ni Grace sa amin.
"Bakit?" inosenteng tanong ko.
"Do you want pineapple juice?" he asked. Ewan ko ba pero ang lambing ng boses ni Levy sa pandinig ko.
"Yeah, sure" sagot ko at tumango pa.
"Ikaw Grace?"
Napasimangot ako ng tanungin niya rin si Grace. Malapad naman ang mga ngiti nitong sumagot. Akala mo inalukan ng ilang milyon kung umasta.
"Sure. I'll have that too."
Tumango si Levy na agad namang sinenyasan ang waitress at nagsimula na nitong sabihin lahat ng order niya. Nang matapos ay tinignan niya ako at tinaasan ng kilay.
Napanguso ako. Kailangan pa ba niyang tanungin si Grace. Tss. Palibhasa hindi siya marunong maging sweet sa akin.
"Ikaw, Felia? Ano'ng kakainin mo?" tanong ni Grace.
Sasagot na Sana ako ng pabalang nang makita ko ang pagbabanta ni Levy sa pamamagitan ng kaniyang mata.
"Wala sa menu ang gusto ko." Saad ko habang nakatitig kay Levy.
"I mean busog pa ako kaya okay na ang juice."
"You can order a dessert if you're not that hungry." alok ni Levy.
"Wala rin sa menu ang dessert na gusto ko," nakangisi kong wika na ikinailing ni Levy.
"One banana sundae with cheese, please." huling sinabi ni Levy sa waitress. Nang makalabas na ang waitress at doon na nagsimulang magusap si Levy at Grace tungkol sa script.
Ako? Ito nag lalaro ng Racing game. Wala naman akong balak makinig sa mga pinaguusapan nila kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa paglalaro.
Ilang minuto ay tinanong na nila ako. Pinatay ko ang cellphone ko at umayos ng upo. Ngumiti ako.
"Meron pa tayong dalawang linggo para mag praktis, kaya May one week ka pa para mag memorize ng script," paliwanag ni Grace.
"Okay." nakangiti paring wika ko. Pero sa isip ko ay nagrereklamo na ako.
Halos malaglag ang panga ko ng may ibigay siya sa aking coupon band. Ilang segundo ko itong tinitigan bago kunin. Binuklat ko ang tatlong pages ng long coupon band.
"Pinagloloko mo ba ako?" inis kung untag. "Ipapasaulo mo sa akin lahat ng ito sa isang lingo lang? Aba ang unfair baman ata!?" halos mapunit pa ang papel na hawak ko.
"Kaya mo yan..." mahinahong sagot ni Grace.
Si Levy ay mariin itong nakatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. At saka ibinalik ang atensyon kay Grace.
"Kaya kong e-memorize to pero kulang ang isang linggo ano'ng tingin mo sa akin si—"
"Tignan mo nga ulit ang papel at basahin mo ang mga nakasulat!" ani Levy.
Bumuntong hininga ako at gigil na tumingin sa papel. Nang mabasa ang unang paragraph ay halos mamula ako. Bakit hindi ko to napansin kanina.
Tsss. Tanga!
May mga bawat parts palang mga nakalaan sa amin. Hindi pala lahat ng ito ay ime-memorize ko.
"Dapat sinabi niyo agad!" naka simangot na wika. Hindi naman nila napigilang tumawa.
Matalim ang mga matang ipinukol ko sa kanila. Kaya napatigil sila sa pagtawa. Si Grace ay nakangiti nalang. si Levy ay nakangisi.
Umayos lang kami ng upo ng dumating na ang mga waitress para e serve ang kanilang pagkain. Inumin lang naman yong akin kaya mag si-cellphone muna ako habang hinihintay silang matapos na kumain.
Agad kung binuksan ang phone ko ng makita ko na may mensahe galing kay Africa. Nasa ilalim naman ng lamesa ang kamay at cellphone ko kaya okay lang naman siguro.
From Africa:
Narito ang mga Alfredo at nang gugulo.
Agad akong nagtipa ng mensahe.
To Africa:
Bakit sila nang gugulo riyan?
Agad siyang nag reply.
From Africa:
Pinatawag niya ang mga ibang gang para dito maghasik ng lagim.
Kumunot ang nuo ko. Bakit sa teretiryo ko pa kung hindi naman pala kami kasali.
Abala ako sa pakikipag text kaya hindi ko na alam ang nangyayari sa dalawa kong kasama. Ang atensyon ko ngayon ay wala sa kanila.
To Africa:
Sunduin mo ako ngayon na.
Nang nasend ang message ay saka lang ako nagangat ng tingin. Pilit ang ngiti ng naabutan ko ang mapanuring tingin ni Levy. Si Grace ay kumakain na. Si Levy ay hindi pa ata kumakain dahil wala pa namang nababawas sa nahiwa niyang steak.
"Ano?" walang boses na tanong ko.
Nagulat ako ng ilagay niya sa harapan ko ang plato niya. Pati si Grace ay napatigil at pabalik balik ang mga tingin sa amin.
"Kumain ka." utos niya.
"Kaya nga hindi ako umorder kasi busog ako tapos ipapakain mo lang sa akin ang order mo? Nakakunot nuong wika ko. "Ikaw na ang kumain niyan busog pa ako." Umigting ang panga niya nang ilagay ko ang plato sa harapan niya.
Kailangan ko ng makaalis dahil alam kong ilang minuto nalang ay nariyan na si Africa sa labas. Kung kakain pa ako ay magtatagal pa ako. At isa pa, busog pa nga ako.
"Excuse me mag CCR lang ako!" sabi ko matapos mabasa ang mensahe ni Africa na nariyan na siya sa labas. Agad naman akong tumayo.
Napatigil ako ng tumayo rin si Levy.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Bathroom" tamad na sagot niya.
"Tss. Mamaya nalang pag balik ko para may kasama si Grace rito!" wika ko.
Hindi siya pwedeng sumabay dahil hindi naman talaga ako pupunta sa cr. Lalabas na ako sa restaurant na ito. At kung sasama siya ay mahihirapan ako.
"It's okay. Right, Grace?" ani Levy. Ngumiti at tumango naman si Grace.
"Okay lang!" aniya.
"See?" seryosong ani Levy na ikinairap ko.
"Ikaw muna ang mag cr, mamaya na lang ako kapag dumating kana." sabi ko at bumalik sa pagkakaupo.
"Okay." Sabi niya at saka lumabas.
Agad akong nag tipa ng mensahe sa cellphone ko. Nakakainis kasi itong si Grace. Binibigyan ko na nga siya ng pagkakataon na masulo si Levy ay hindi pa nakipag- cooperate.
"Are you okay, Felia?" she asked.
"Tss. Okay lang ako, ikaw okay ka lang?"
"Yes I'm okay but not totally okay."
"Kasi hindi mo masolo si Levy ngayon? Tss. Sabi ko na nga ba nasa loob ang kulo mo!" umirap ako.
Ngumisi siya.
"Akin naman talaga si Levy inaagaw mo lang!"
"Wala akong inaagaw sa'yo in the first place hindi siya naging sa'yo kaya wag kang assuming diyan na inagawan kita!" nang aasar na saad ko.
Tumalim ang mga mata niya. Binitiwan niya ang tinidor na hawak niya at dinuro ako.
"Ako ang gusto ni Levy at hindi ikaw, sinabi niya sa akin nakulitan lang siya sa'yo kaya ka niya sinagot!"
Ako naman ngayon ang napatigil. Ang nigsi sa akin labi ay biglang nawala. Si Grace ay nakangiti na ngayon habang pinapanuod ang aking naging reaksyon.
"Pfft. Ang tanga mo, girl!" patuloy lang ako sa pagtawa. Hanggang sa ang pagtawa ay unting unti nang nawawala.
Sumeryoso ako.
"Agawin mo siya kung kaya mo! I don't car e, Grace."
itutuloy—