CHAPTER 30

1404 Words

NAMAYANI ang katahimikan sa pagitan ni Bianca at ng kanyang ina. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Sa loob lamang ng ilang minuto ay napakaraming rebelasyon na hindi kayang tanggapin lahat ng kanyang isip at puso. Dalawang linggo lamang mula nang maospital ang kanyang ina. Pero pakiramdam ni Bianca, napakaraming nangyari sa loob ng maiksing panahon. Subalit sa lahat ng mga nalaman, namumukod-tangi ang ekspresyon sa mukha ni Ross nang malaman nito na aalis siya. Kinailangang tumalikod ni Bianca upang huwag maluha sa nakitang hinanakit sa mga mata ng binata. “Bianca…” halos padaing na tawag ng kanyang ina. Tiningnan niya ito. “Patawad kung nagsinungaling ako sa `yo. Patawad dahil pakiramdam ko, imbes na ako ang nag-alaga sa `yo, ako ang inalagaan mo ng mahabang panahon. Patawar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD