Three months later Cebu “ATE BIANCA, gusto mong sumama? Magre-review kami,” anyaya ni Joy, isa sa mga kaklase ni Bianca sa isang subject. “Sige,” nakangiting sagot ni Bianca na tumayo na mula sa desk chair, kipkip ang kanyang mga gamit. Ilang buwan na mula nang magsimula ang semester at masaya siya na sa wakas ay nakapag-enrol na uli. Mas matanda siya sa lahat ng mga kaklase niya sa unibersidad na iyon kaya ate ang tawag sa kanya ng lahat. Ilang taon pa ang gugugulin ni Bianca para makapagtapos at makuha ang propesyon na gusto talaga niya subalit hindi iyon problema. Nangako ang kanyang ama na tutulungan siya hanggang makapasa siya sa Bar exam. Hindi pa rin siya ganoon kalapit sa kanyang ama subalit kahit paano ay nag-uusap na sila sa telepono paminsan-minsan. Sinabi pa nga ng ama

