The Wildest Dream Chapter 48 "Arnulfo, wag mo naman gawin ito sa anak mo. Baka magtanim sa'yo iyon ng galit? Malaki na si Eion, alam na niya magdesisyon para sa sarili niya," pakiusap na sabi ni Amelia. Nandito si Amelia at Arnulfo sa kuwarto nila. Nakikiusap si Amelia sa kanyang asawa na wag ng pigilan si Eion na mag-audition para sa role ni Travin Villaroel. Ilang araw din hinintay ng kanilang anak na gumaling ang kanyang pasa para lang makapag-audition ito sa V Studio. Nagulat si Amelia sa pagpasok ni Arnulfo sa kanilang kuwarto. Lalapitan sana niya ito para batiin ng magandang gabi dahil late na itong umuwi dahil sa ginagawa nitong teleserye. Ngunit hindi na niya itunuloy ang paglapit niya sa kanyang mahal na asawa. Kilala ni Amelia ang kanyang asawa kapag hindi maganda ang moo

