The Wildest Dream Chapter 49 "Eion, may problema ba?" ngiting tanong ni Severino. Napansin kasi ni Severino ang pananahimik at matamlay na dating ng kanyang inaanak na si Eion. Nasa loob sila ngayon ng kanyang itim na kotse at papunta na sila sa V Studio Building sa Bayan ng Prado. Hindi sinama ni Severino si Lane Aguas kahit na anong pagkukumbinsi ni Eion sa kanya na isama ang kaibigan nito ay hindi siya pumayag. Gumawa talaga siya ng kuwento o dahilan para lang hindi makasama si Lane. Lihim na napangisi si Severino kanina dahil kusang si Lane Aguas na ang nagsabing hindi na ito sasama at sinabi na lang nitong may biglaang lakad ito. Kaya naman lihim niya itong pinasalamatan dahil kusa na itong hindi sumama. "Ah? Iniisip ko lang ang mangyayari mamaya sa audition," matamlay na t

