The Wildest Dream Chapter 31 "Nandito pala si Ninong Severino, at ang pamilya niya," gulat na sabi ni Eion. Akala ni Eion ay simpleng family dinner lang ang mangyayari ngayon. Sa pagpasok nila sa bahay kasama si Lane ay nakita agad niya ang Ninong Severino Manalo niya at ang asawa nitong si Tita Desiree Valdez Manalo. Kasama din ng mag-asawa ang dalawang naggagandahang babaeng anak ng mga ito na sila Athena at Alena. Inaya ni Eion si Lane na pumunta sa may sala kung saan masayang nagkukuwentuhan ang kanyang daddy at ang Ninong Severino niya. Hahawakan sana niya ang kamay ni Lane ng bigla nitong inalis agad ang pagkakahawak nito. Napakunot noo napatingin siya kay Lane na kitang-kita ang kaba at hiya sa guwapong mukha nito. "Eion, nandito tayo sa bahay mo. Hindi tayo puwedeng magkah

