The Wildest Dream Chapter 30 "Sinasabi ko sa'yo Eion, na may future ka bilang isang magaling na aktor. Well, maiba naman tayo ng topic. Diretsahang tanong single or taken?" ngiting tanong ni Tita Rose. "Single and ready to mingle," ngising tugon ni Eion. Bigla na naman nasigawan ang mga fans ni ELane at napatingin si Lane sa sagot ni Eion. Hindi niya nagustuhan ang sagot nito. Napapailing na lang siya. Hanggang hindi na niya namalayan na natapos na pala ang interview nila kay Tita Rose. Sa loob ng van ay tahimik pa rin si Lane at hindi niya pinapansin si Eion kahit na kinakausap siya nito. Parang nawalan siya ng gana sa sagot ni Eion kanina. "Uy! Lane, anong nangyari sa'yo? Bat kanina ka pa tahimik?" mahinang tanong ni Eion. Nasa likuran pa rin ng van sila Eion at Lane na naka

