The Wildest Dream Chapter 22 Sa ilang sandali ay magsisimula na ang live show ng talk show ni Tita Rose na "chika mo na!". Sobrang dami ng tao sa loob ng studio. Mga fans na naghihintay na makita ng personal ang mga iniidilo nilang GTV5. Meron rin mga security na nakaantabay para makontrol ang mga tao sa loob. Lalo na kapag lalabas na ang GTV5 Nasa backstage na sila Hale, Kaden, Jaden, Lane at Eion. Naghihintay na lang ang mga ito ng signal para masimulan nila ang perfomance ng mga ito. Last minute na lang sinabi sa kanila na magkakaroon na muna ng performance ang mga ito bago ang official interview. Nagpapasalamat si Mickey na meron back up dance and number piece ang GTV5. Nag-request ang producer ng show ni Tita Rose na sana ay bagong perfomance ang ipapakita ng grupo. Nag-usap-usa

