The Wildest Dream Chapter 23 "Paano nabuo ang grupo ninyo? Out of nowhere ay naglabas ang GTV ng isang all male group na GTV5 na kayo nga. Na shock ang taong bayan sa guwapo at kisig ninyo. Lalo na sa pagkanta at pagsayaw ninyo," ngiting sabi ni Tita. "Marami kaming pinagdaanan Tita Rose. Bago mabuo ang grupo namin. Dugo at pawis ang puhunan namin," ngiting sagot ni Hale. Ikinuwento ni Hale kung paano nagsimula ang GTV5. Sinabi niya kay Tita Rose na nagsimula sila sa audition hanggang makapasa silang lima. "Tita Rose, hindi lang kaming lima ang nakapasa kundi 50 plus yata kami? Basta 50 plus kaming nakapasa sa audition," sinengudahan ni Kaden ang sinabi ni Hale. "50 plus kayo nakapasa pero lima kayong nandito sa harapan ko?" kunot noo tanong ni Tita Rose. Alam na ni Tita Rose an

