The Wildest Dream Chapter 53 "Well, first choice namin si Severino Manalo, na gumanap kay Amadeus Del Rosario. Sabi nga namin na kung hindi papayag si Severino, na tanggapin ang offer ay mahihirapan kaming maghanap o magpa-audition sa role ni Amadeus," ngiting sabi ni Peachy. Nagpapasalamat si Peachy na binigyan siya ng pagkakataon na makapagsalita ni Severino. Para na rin ma-exposed siya sa grand press con ngayong gabi. Ikinuwento pa ni Peachy sa press people kung paano niya hinanap ang malaking bahay ni Severino. Para siyany nawawalang pusa at hinahanap ang tirahan niya. Nagtawanan ang mga tao sa loob ng function hall dahil sa sinabi ni Peachy. Habang abala ang mga taong nakatingin kay Peachy ay abala naman sa pag-uusap sila Severino at Eion. "Ninong Severino, alam na ba nila

