The Wildest Dream Chapter 54 "Puwede bang malaman kung ano ang iniisip mo kanina?" ngiting tanong ni Severino. Bumukas na ang elevator na sinasakyan nila Severino at Eion. Sabay na silang lumabas sa elevator at naglakad lang sila ng diretso sa hallway kung saan sa may bandang dulo ng hallway ay nandoon ang comfort room. Napansin ni Severino na walang katao-tao sa 3rd floor. Naisip niya na baka abala ang lahat sa second floor para sa naganap na grand press con. Napatingin siya sa kanyang inaanak na parang may iniisip ito dahil hindi man siya nito sinagot sa kanyang tanong. Tinawag ulit ni Severino ang pansin ng kanyang inaanak na si Eion. Nakita niyang napaiglad ito sa pagtapik niya sa balikat nito. Napapailing na lang siya sa kinikilos ngayon ni Eion. "Eion, ayos ka lang ba? Pag

