The Wildest Dream Chapter 20 _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ "'Di ba sinabi ko naman noon pa na ayaw kong pumasok ka sa showbiz," seryosong sabi ni Arnulfo. Kinuha ni Arnulfo ang table napkin na nasa tabi niya at pinunasan niya ang kanyang labi. Tapos na siyang kumain at kinuha niya ang kanyang wine na may laman na red wine nabnasa ibabaw ng lamesa at ininom niya ito. Pagkatapos ininom ni Arnulfo ang kanyang red wine at seryoso itong tumingin sa kanyang anak na si Eion. Hinihintay niya ang isasagot nito sa kanya. "A-alam ko naman i-iyon daddy. P-pero g-gusto ko talaga makapasok sa showbiz. Noon pa man ay alam na ninyo na gustong-gusto kong mag-artista. Sinunod ko ang gusto ninyo na makapagtapos ako ng pag-aaral.

