The Wildest Dream Chapter 19 "Hanep talaga kayong dalawa!" ngising sabi nj Kaden. Parang nanuod si Kaden ng isang live show sa ginawang subuan ng strawberry nila Lane at Eion. Aliw na aliw talaga siya kanina. Kahit na straight siya ay hindi niya maiwasan na kiligin sa chemistry ng dalawang kagrupo niya. Natawan lang sila Hale, Jaden at Kaden sa nakita nilang subuan ng strawberry nila Lane at Eion. Kahit na nakasara ang pintuan ng van ay nasisigawan ang mga ito dahil aliw na aliw sila sa pinapakitang kasweetan ng dalawang kamiyembro nila. "Hindi nga kami halos makakilos kanina. Buti na lang talaga ay binigya nila kami ng epasyo," ngiting sabi ni Eion. Nakaupo si Eion kasama si Lane sa pinakadulo ng upuan ng van. Sobra siyang masaya dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na makasalam

