The Wildest Dream Chapter 64 "Baby Eion, mukhang hindi natin magagawa ang round 3?" ngising sabi ni Direk Frank. Nandito silang dalawa ni Eion sa may garden area ng bahay nito. Nagulat siya kanina na marami pa lang bisita si Eion ngayong gabi. Naisip agad niya na hindi nila magagawa ang pinag-usapan nila ni Eion na round 3. Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang katawan ni Direk Frank. Hindi pa rin siya kuntento sa dalawang round na ginawa nila ni Eion. "Pasensya na Daddy Frank, hindi ko inaasahan na maraming bisita ngayong gabi. Baka puwede natin gawin sa susunod na araw?" ngiting sabi ni Eion. Hindi magagawa ni Eion na makipagtalik kay Direk Frank ngayon dahil nandito ang kanyang Ninong Severino niya lalo na nandito ang kanyang kasintahan na si Lane. Natuwa si Eion ng mapagkas

