The Wildest Dream Chapter 65 "Sh*t! Ang hot! Naka-suit pa lang sila pero nakakapanghina na ang chemistry nilang dalawa!" kilig na sabi ni Romeo. Pinapanuod ni Romeo ang photoshoot nila Severino Manalo at ang inaanak nitong si Eion. Sobrang ramdam na ramdam niya ang init sa buong function hall dahil sa dalawang naguguwapuhan at nakikisigan na lalaking magkaharapan sa isa't-isa. Napatingin si Romeo sa paligid at napansin niyang sobrang tahimik at lahat ng mga tao sa loob ng function hall ay nanonood kina Eion at Severino. "Severino, puwede mo bang ilapit pa ang labi mo kay Eion. Pero wag mong ididikit parang hahalikan mo siya," ngiting sabi ni Jax. Ito ang unang pagkakataon na gamuwa ng project si Jax ng ganitong uri ng photoshoot. Noong kinausap siya ni Miss Peachy Sy para maging

