CHAPTER 53: Mommy Masaya akong makita at itago ang wheelchair niya. Hindi niya na ito kailangan pang gamitin. Nakahiga siya sa kama niya at nakatingin lang sa kisame. Ayaw niya kanina na kunin ko ang wheelchair niya pero wala siyang nagawa kasi naitago ko na ito at hindi niya alam kung saan. Tumawa na lang ako nang isipin kanina ang nangyari. Kulang na lang ay umiyak siya para hindi ko lang kunin ang wheelchair niya. “Stop laughing." Mas tumawa ako ng malakas dahil sa inakto niya. “I said stop lau–” Napatigil siya ng humiga ako sa tabi niya at tumatawa akong hinarap siya. Naging seryoso naman ang kaniyang itsura. “Dapat kasi hindi ka nakaupo lagi do'n –” Hindi ko na lang natapos ang aking sasabihin ng bigla siyang tumalikod sa akin. Ang cute niya. “Tara, tayo na d'yan. Ilala

