CHAPTER 52: We're okay now. Nang tumalikod ako at nang lumabas na rin sila Ian ay bigla akong napayuko. Nagtama ang tingin namin ni Stephen. Napakalakas yata ang boses ko kaya lumabas siya sa kuwarto niya. Maganda lang sana kung si Stephen lang pero mas ayaw ko ng iangat pa ulo ko dahil nakita ko ang Mommy niya sa may kusina, mukhang kanina pa ito. Nanatili akong nakayuko pero napabalikwas naman agad ako ng bumalik si Ian. “S-sumama ka sa akin, Maurice. Mag-usap ta–” Lumingon ako at tiningnan siya ng may pagtataka. Nakita ko ang paglibot ng kaniyang paningin at huminto sa aking likuran, kung saan ang Mommy ni Stephen. “T-tita, ilalabas ko lang si –” “No!” Napalingon naman ako sa kinaroroonan ni Stephen matapos niyang sumigaw. “Kasama ko si Shaira, may pag-uusapan lang kami.”

