CHAPTER 19: It's you, My Savior! Isa sa mga masayang araw na naranasan ko. Hindi ako magsasawang magpasalamat sa diyos dahil binigyan niya ako ng pagkakataon para makilala ang taong nasa aking harapan. Alam kong hindi sapat ang salitang pasasalamat para maging maayos ang kaniyang kalagayan. Salamat at dininig ng panginoon ang aking hiling. Wala na akong mahihiling pa sa kaniya na ibang bagay kundi ito lang at pinagbigyan niya nga ako. Naiiyak ako dahil sa saya na aking nararamdaman. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero hindi ko p'wedeng gawin. Ang saya makita siyang nakangiti sa mga magulang niya at kay Ian. Gustong-gusto ko talaga siyang lapitan. Alam kong alam niya na nandito ako. Nasa harapan niya ako mismo pero napawi ang ngiti ko dahil hindi niya magawa kahit isang tingin la

