CHAPTER 63.1: The New Couple (Part 1) “Bihisan mo ako!” “A-ano kamo?” Mas tumatagal ay hindi ko maintindihan si Stephen. “Bihisan mo ako, bilis!” “Kaya mo naman magbihis ha! Kung ano 'yang binabalak mo huwag mo ng ituloy.” Nakaupo siya sa kama niya at ako naman ay naghahanap ng mga maisusuot niya. Sa dami niyang casual at pormal attires ay naguguluhan ako kung ano ang mas bagay na isuot niya. “I can buy new–” “Magkakalas ka pa ng pera! P’wede pa naman ito, marami nga rito ay amoy bago pa at siguradong hindi mo pa naisusuot.” “Ang mga nasuot ko na ang amoyin mo, mas mabango 'yan!” biro niya. Tiningnan ko siya at hanggang ngayon ay naka-towel pa rin siya sa ibaba. Basa pa rin ang buhok niya. “H-hindi ka ba nilalamig d’yan? Magbihis ka na nga at para makaligo na rin ako.” “

