CHAPTER 62: Sharing More Stories “Ian, ako na!” sigaw ko. Ang daya nila ni Shaira. Naglalaro kami rito sa may garden at si Stephen ay nakaupo lang at nanonood sa amin. Umalis na lang ako sa pwesto ko at lumapit kay Stephen. Nakawalang gana sila maglaro. May tatlong maid din ang kasali sa paglalaro. “Ayaw mo ng maglaro?” tanong niya habang nanonood kina Shaira. “Madaya kasi sila…” “Madalas kaming naglalaro nila Shai, at masaya ako kasi ikaw na naman ang dinadaya nila. Dati kasi ako ang laging kawawa, lagi silang magkakampi kahit madalas hindi sila nagkakaintindihan.” Tumango na lang ako sa sinabi niya. Bigla siyang tumayo kaya inalalayan ko agad siya. “Saan ka p-pupunta?” “Hindi ako kundi tayo.” Ano naman kaya gagawin niya rito sa kusina. Kahit man ang daming maid rito a

