CHAPTER 55: Stephen Family Life Story Pareho kaming lumayo ni Stephen sa isa't isa bago bumukas ang pintuan. Pumasok naman si Shaira at si Ian. “What's wrong!? Bakit pinagbabawal mo kaming pumunta rito?” tanong ni Ian. “Tapos pati ako ba? Stephen naman…” Pareho naman silang tumigil ng sumensya si Stephen. Pinapahiwatig niya na tumigil sila. Nagtama ang tingin namin si Shaira at tinarayan niya lang ako, napa-iling naman ako sa ginawa niya. “I don't know what's going on… maybe it's mom decision–” “Hindi gano'n si Tita, sa amin ni Shaira. And for sure ikaw ang nag-desisyon na 'yon!" Medyo tumataas nga ang boses ni Ian. Kung pumunta lang sila dito para awayin si Stephen ay p'wede na siguro silang umalis. Akala siguro nila ay gano'n na lang kadali ang nangyari. Ang nakakapalan tul

