Chapter 36: LEAVE! “Siya ba ang may ayaw?” Nagtungo na lang ako sa kusina at para tulungan si Manang. Nakasunod siya sa akin habang dala-dala ang mga lessons ko. Bukas ay aalis na sila ni Shaira rito. Kahit man hindi kami masyadong nagkakasundo ni Shaira ay nalulungkot din ako. Mas maganda kong nandito sila. “Sige ako na lang ang kakausap sa kaniya.” Tumalikod siya sa akin kaya agad ko siyang pinigilan. “H-hindi naman kasi sa ayaw niya.” Hindi ko tuloy alam kung paano sasabihin sa kaniya ang nangyari kanina. “W-wala kasi siyang kasama rito 'di ba? Aalis na rin kayo bukas 'di ba ni Shaira kaya mas mabuti kong hindi na lang muna ako papasok.” “Nandito naman si Manang a-at uuwi ka naman tuwing hapon. Makikita mo naman siya,” paliwanag niya pero hindi ko maiwasang magtaka kung ba

