Chapter 35: Lock “Shai, ikaw na magdala nito kay Stephen.” Tumayo naman si Shaira at kinuha sa akin ang pagkain ni Stephen. Nang umalis na si Shaira papunta sa kuwarto ni Stephen ay hindi ko maiwasang tingnan ng masama si Ian. Ano bang problema niya? Kanina ko pa hindi nakikita si Stephen at hindi rin nakakapunta sa kuwarto niya. “Tara!” Yaya ni Stephen sa akin. Bigla niya naman akong hinila. Kami ng lang naman ang nandito. Akala ko ang ay uuwi na rin sila kanina ni Shaira pero ewan ko ba kung bakit nagpaiwan sila. Kaaalis na rin ng magulang ni Stephen. Hindi ko alam kung bakit ako ang nagtatampo sa mga magulang niya, ano kaya nararamdaman ni Stephen ngayon? Siguro na lulungkot siya. “May pasok na bukas, hoy! Ano ba nakikinig ka ba sa akin?” Napa-aray naman ako dahil pinalo niya

