CHAPTER 64.3: The New Couple (Part 2) “Manong, p’wede muna ho kayo umuwi. Tatawag na lang ako kung magpapasundo na kami. Pakisabi na rin muna kina manang na matulog na sila kung sakaling tatagalan kami.” “Mag-ingat po kayo–” Tinanaw namin ni Stephen ang kotse na papaalis. Bakit kaya parang iba ang pakiramdam ko. Napabalikwas naman ako sa aking p’wedeng mga isipin. “Tara na,” sabi ni Stephen. 5:30 Pm nga’yon at malapit na nga magsimula. Nabigla naman ako ng hawakan niya ang kamay ko habang naglalakad dito sa labas. Ang daming tao tapos alam kong isa siya sa mga kilala rito sa school kaya mahirap na baka ano ang isipin ng iba. Kinuha ko naman ang kamay ko sa kaniya at ako ang humawak sa kanyang braso. Hindi ko naman kailangan pang alalayan siya pero nagmumukha akong alalay nga

