CHAPTER 64.2: The New Couple (Part 2) Tinitigan ko siya ng maayos habang nilalagay sa aking leeg ang isang kulay silver na necklace na may pendant na kulay blue. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. First time kong makaranas na ginaganito ng isang lalaki. ‘yong pakiramdam na espesyal ako sa kaniya. Hindi ko inakala na ganito ang mangyayari. Ang daming gumugulo sa aking isipan noon kung ano ang tingin ko sa kaniya. Pero sa tingin ko ngayon ay siguradong may namumuong paghanga ako para sa kaniya na hindi niya dapat malaman. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay. “Let’s go?” Tumango ako at sumabay sa kaniyang mga paa habang naglalakad. Huminto siya at pumasok kami sa isang sulok na puro gadgets ang naka-display. “Ako na ang pipili para sa bago mong magiging cellph

