CHAPTER 58: At My Side “Shai, huwag mo nga akon–" “Oh! No, nand'yan na… m-malapit na sa kanya." “Pati ako nagugulat sa 'yo… Shai, ano ba–” Ang ingay nila dalawa ni Ian. Wala tuloy akong maintindihan sa pinapanood ko. Hindi naman kasi nakakatakot itong horror movie na 'to. Nang matapos nila mag-sorry sa akin kanina ay pinipilit ako ni Ian na sumama sa kanila dito para manood ng movies. Parehong nakaupo si Ian at Shaira sa sofa. Nasa sahig naman ako malapit sa paa ni Ian at hindi ko alam kung bakit tumabi sa akin si Stephen. Kanina nasa may sofa rin siya nakaupo sa tabi rin ni Shaira pero nang kunin niya ang remote ay napaupo na lang siya sa tabi ko. Siguro dahil iyon seryoso siyang nanonood at hindi niya na naisip pang bumalik sa upuan niya. “Bahala ka nga d'yan.." Tumayo si Ia

