CHAPTER 57: I'm sorry (Part 2) Pumasok na lang ako sa loob ng bahay. Malinis na rin ang mga kalat. Wala na nga sa sala sila Ian at siguradong nando'n sila sa kuwarto ni Stephen. Hindi ko makita kung ano ang masama sa desisyon ng Mommy niya. Para naman sana iyon sa ikakabuti niya. Kung makakapunta pa rin sila Ian dito ay siguradong p'wede pa rin may mangyaring masama kay Stephen. Nagtungo ako sa kusina at nakita ko ang isang maid na naghahanda ng hapunan. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang Mommy ni Stephen. Umupo na lang ako sa upuan habang hinihintay na lumabas sila Ian. Hindi naman nagtagal ay may narinig akong yapak ng paa. Alam kong si Shaira ito. Dinaanan niya ako at nagtungo siya sa may refrigerator. May mga kinuha siyang ice cream at maging ang pop corn ay kinuha niya rin.

