CHAPTER 42: Medicine “Kahit kami rito noon pa ay nakakaramdam ng takot sa lolo niya. Mahilig 'yon sa mga halaman kaya ang parehong bahay ng anak niya ay pinalagyan niya ng sariling garden. Mabuti nga at wala na siyang ibang mga sinabi at hindi nagalit kanina,” mahabang lintaya ni Manang. “May sakit kasi 'yon kaya kailangan niya talaga makalanghap ng sariwang hangin,” pahabol pa niya. Nang matapos kong ihatid ang lolo niya hanggang doon sa gate ay may sinabi pa ito sa akin. Hindi ko na lang binigyang pansin iyon. Ang lakas niya tumawa nagsisi tuloy ako kung bakit inalalayan ko pa siya. Nakakaawa rin naman kung dito siya mabawian ng buhay dahil sa napakahaba ng hagdan. Mabuti naman at umalis na siya. Gusto ko sanang puntahan si Stephen sa kuwarto niya pero baka bad mood siya. Lalo na

