NANGALUMBABA si KC habang nakaupo sa isang malaking bato sa loob ng kakahuyan. It was their second day and their group became bigger. Nadagdagan ito ng dalawa at sobrang thankful siya na ang dalawang iyon ay sina Amira at Claire. Pero mukhang pagsisisihan ata niya ito ngayon. Kung pwede nga lang niyang isauli ang dalawa ay gagawin niya. Her face was long dahil sa dalawang iyon. Kanina pa siya buga nang buga ng hangin. Dadaigin na ata niya ang dragon sa kakabuga ‘yun nga hindi apoy kundi hangin. Kung pwede nga lang apoy ang ibuga niya para matusta na ang mga haliparot niyang mga kaibigan. Sobrang nanggigigil na talaga siya sa mga ito. Paano ba naman kasi imbes na tulungan sila ng dalawang ito para maghanap ng limang herbal plants sa loob ng kakahuyan, ayon at dikit nang dikit kay Nathaniel

