KANINA PA pabalik-balik si Amira sa labas ng kanilang tent. Hindi siya mapakali dahil hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik sina KC at Nathaniel. Medyo madilim na ang paligid. Nakompleto na nila ang task nilang maghanap ng limang herbal plant sa loob ng kakahuyan ngunit wala pa rin ang dalawa. "Ano ka ba, Amira? Maupo ka nga. Nahihilo ako sa'yo!" saway ni Claire sa kanya habang hawak ang isang libro at nagbabasa. Hindi ito nakapag-concentrate at maya’t mayang tinitingnan siya. "Gabi na kasi wala pa si KC," nag-aalalang sagot niya kay Claire. "Hay naku! Kasama niya si Nathaniel ano ka ba. Maupo ka na nga, nag-aalala ka sa wala. Malamang nag-e-enjoy na ang mga iyon ngayon no," sabi nito habang nakatutok pa rin ang mga mata sa libro at panaka-nakang sinusulyapan siya. Malamang tama ito. M

