"Ma mauuna na po kami.. May meeting pa kasi ako bukas.. Gusto ko pa sana magstay kaso hindi talaga pwede.. Babalik na lang kami ni Samantha some other time.." At yumakap na sa ina..
"Tita alis na po kami, Salamat sa warm welcome at sa masarap na tanghalian.." Yumakap na rin ito sa ina ng binata.
"You are very much welcome iha.. Sana sa susunod na pagpunta mo dito mama na ang tawag mo sa akin.." Ngiting tugon ng ina ni Mateo na kinangiti din ni Samantha..
"Ma, alis na kami. Mag-iingat kayo ni papa dito.. Hindi mo na nakita si papa dahil may pinapagawa pa siya para sa expansion ng farm." Pagpapaliwanag na lang ng binata dahil sa hindi nya nakita ang papa nito.
Umalis na din sila pagkatapos ng mahabang paalamanan, binigay na rin ng binata ang pasalubong para sa ina..
Habang daan, samu't saring bagay ang iniisip ng dalaga.. May pag-asa pa bang maging sila ni Mateo.. Wala naman itong sinasabing mahal siya.. Naglalaro nga ba ang binata.. Tama nga ba ang naririnig nya isa itong playboy, na pagkatapos ng isang gabi at wla na.. Siya ilang gabi na nakasama ng binata pero ito pa din, kapiling pa rin nya ang binata.. Umaasa ba siya.. Nalulungkot na siya sa isiping baka kaya magkasama pa sila ng binata ay dahil lagi siyang available sa binata.. Natatakot lang siya sa isiping baka nga panandalian lang ang kasiyahang ito..
"Napakatahimik mo love? Is there something wrong, may nagawa ba ako, may nasabi ba ako?" Sunod sunod na tanong ng binata..
"Wala naman, pagod lang ako.." Ginagap na nya ang kamay ng binata para wala na itong masabi..
Hinatid na siya ng binata sa bahay nila at umalis na din ito.. Hinalikan siya ng binata at Niyakap ng mahigpit bago ito umalis..
"Mag-iingat ka.." Paalam nito sa binata..
"Ikaw din, I will see you soon love.."
Binagsak ng dalaga ang katawan sa kama. Madami talaga siyang iniisip at kailangan muna nyang magpahinga.. Napakabilis ng nangyayari sa kanila ni Mateo.. Parang to good to be true.. Ang alam lang nya sa sarili mahal nya ang binata.. Hindi na nya inaalala kung mahal din siya ng binata.. Ang mahalaga mahal nya ito...
She needed someone to talk to. Makikipagkita na lang siya kay Marge mamayang gabi.. Mag unwind sila. Kailangan nya yun, sambit ng dalaga sa sarili..
Nakatulog naman ang dalaga at naligo na din para mayaya si Marge na lumabas.. She need a break from all thoughts that she is feeling right now.
Nagpaganda ang dalaga.. She's wearing an off shoulder dress exposing her soft glowing skin at may slit pa ang damit exposing his long legs to die for..
Tumawag na din si Marge na andun na sa bagong bar na pupuntahan nila.. Gusto nila ng bagong environment so they choose a new place to hang out..
Tinawagan na lang ni Samantha si Marge na paalis na siya para Di mainip ang dalaga.. Hindi naman matraffic at madali ding matunton ang Lugar..
Cozy ang bar at hindi gaanung crowded pagdating ni Samantha, nakita naman nya agad si Marge at maganda ang nakuha nitong pwesto..
"Hi dear, you look stunning" , saad ng dalaga after siya nito ibeso..
"You too dear.. Ganda mo..." Dagdag na lang ng dalaga..
"Mukhang nadiligan ka ah.." Biro nito sa kanya..
"Lukaret.." Sagot naman ng dalaga..
"Order na tayo," pagsansala na lang ng dalaga baka anu pa maungkat nito..
"Kailan ka bumalik abir?" Tanong ng may himig panunukso ni Marge..
"Ah, kanina lang hapon.."
"So it means ilang gabi talaga kayo magkasama ni Mateo.. Kaya pala napaka blooming mo, nadiligan ka talaga hinala ko eh.."
Ngiti na lang ang naisagot ng dalaga na nagpangisi sa kaibigan.
"I knew it, daks ba dear.." Tanong ni Marge na kinangiti uli ni Samantha..
"Mukhang tama nga ako, let's drink to that.."
"Friend medyo nag-aalala lang ako kasi sa mga nalalaman ko kay Mateo, hindi talaga ito ngseseryoso.. Meron nga akong kakilala na naka one night stand daw ni Mateo, pinauwi lang daw siya ng binata pagkatapos may nangyari na parang isa lang siyang bayarang babae.. Napaka rude pa nga daw ni Mateo at binigyan na lang ng pamasahe ang babae para makauwi.."
"Pero hindi naman ako naniwala agad kasi pwde mo namang siraan ang lalaki kasi hindi ginawa ang inaasahan mong gawin nya para sayo.." Mahabang kwento ng kaibigan nya..
"Huwag na muna natin siya pag-usapan dear.. Tayong dalawa ang magkasama dito kaya Huwag na muna natin pag-usapan ang wala.."
"Ay bitter ang ale.." Biro na lang ng dalaga.
"Pero dear payo lang ha, huwag mo muna seryosohin, sa tingin ko kasi kay Mateo madaming reservation yan. Magandang lalaki yun at of course mayaman din, madami maghahabol at hindi rin natin alam kung meron ba talaga siyang karelasyon ngayon.."
"Oh siya dear huwag na natin isipin ang mga bagay na yan ha.. Inom na lang tayo.."
"I need to use the cr dear.." Paalam nya sa dalaga.
Habang papunta sa cr, may nakabangga syang babae..
"Oopss sorry miss. Hindi ko sinasadya.." Sabi na lang ni Samantha sabay pulot sa cp na nalaglag ng dalaga dahil sa pagbangga nya.
Nabasa pa nya ang nasa screen ng cp ng babae.. Mateo ang nakalagay..
Kinabahan ang dalaga na sinuli sa nakabangga ang cp.
"Ito ang cellphone mo miss. I am so sorry."
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo, naputol tuloy ang usapan namin ng babe ko.." Pasupladang sagot ng dalaga sa kanya.
"Stacy," may tumawag na lalaki dito at nagbeso..
"Andyan na si Mateo.." Dagdag pa nito na kinagulat din ng dalaga...
"Si Mateo nga ba ang tinutukoy nito at ito nga ba si Stacy..." Tanong ni Samantha sa sarili.
Dumerechu na lang siya sa cr after umalis ang dalaga na nakabangga..
Medyo kinakabahan na siya kung talagang si Mateo at nandito din sa bar.. Para makasigurado.. Nagtext siya sa binata..
" Hi love, how are you?" Text nya sa binata..
Agad namang ngreply ito..
"I'm at the condo.. May meeting ako bukas, nirereview ko lang ang pag uusapan namin bukas..." Reply ng binata..
Narelieve ang dalaga sa reply ng binata so baka nagkataon lang na si Mateo at Stacy ang andito sa bar.. Tinapos na din nya ang pagretouch sa banyo..