Hindi sya makadaan sa malapit na daan para makabalik sa pwesto nila ni Marge.. Nag excuse na lang siya at medyo madilim ang nadadaanan. May nagtatawanan na grupo ang nadaanan nya at napalingon dito, only to find out na andun si Mateo na may yumayakap na babae, ang babaeng nakabangga nya kanina.. Totoo nga na si Stacy ang babae.. Maganda ang dalaga.. Bigla siyang pinanlambutan ng tuhod. Buti na lang may nakapitan siyang padir.. Binilisan na lang nya ang pagbalik sa kinaroroonan ni Marge.. Nagsisinungaling sa kanya si Mateo.. Nasa bahay daw ito pero ito sya may kalandian..
Tinext nya uli si Mateo.
"Love kumain ka na ba?" Text nya dito.
"Kumakain ako ngayon love.. Kaw ba?" Sagot ng binata..
Tumawag na lang siya para masiguradong si Mateo nga yung nakita nya sa bar.. Hindi ito sinasagot ng binata.. Nakailang tawag siya pero hindi nito sinasagot. Nakikita pa nyang tinitingnan lang nya ang cp nito.. Hinaharot din ito ni Stacy na mukhang nagugustuhan naman ng binata..
Napakasinungaling mo talaga.. Nasa condo pala ha.. Bwisit na tugon na lang ng dalaga..
"Talaga ba sa condo ka.. Wala kang kasama?" Inis na reply ng dalaga..
"Wala kang kasamang babae na nakayakap sayo.. Sinungaling.." Dagdag na text pa ng dalaga na kinalingon ni Mateo.. Mukhang may hinahanap ito..
Kinabahan si Mateo ng magtext si Samantha at tinanong kung saan siya.. Nagsinungaling siya sa dalaga na nasa condo siya para wala lang away.. Ayaw nyang mag-away sila ni Samantha.. Mukhang andito din si Samantha, at nilinga-linga nya ang paligid.. Ngunit wala siyang makita.. Tama ang sinasabi nito na nakayakap si Stacy sa kanya ngunit hindi nya ito maalis-alis at ayaw nito mapahiya sa grupo.. He was just being nice na hindi dapat..
He was bothered now.. Hindi nya sinagot ang tawag ni Samantha kasi tyak malalaman nyang nasa bar siya at hindi sa condo.. Mukhang away talaga ang hatid nitong si Stacy sa buhay nya..
"Excuse me, I have to make a call.." At lumabas muna ang binata para hindi maingay pag kausap ang dalaga..
Isang ring pa lang at sinagot na ito ng dalaga..
"O bakit ka tumawag, para malaman mo na nakita kita.. Napakasinungaling mo naman.. Pwde ka namang magsabi na aalis ka, hindi yung pagsisinungalingan mo pa ako.."
"Love let me explain, I was about to tell you na umalis sana ako kaso I don't want you to get mad at me.."
"Yun na nga eh, ayaw mo akong magalit pero anu ang nangyari? Lalo akong nagalit sayo kasi nagsinungaling ka.." Sagot ng dalaga habang humihikbi pa ito..
"Love pupuntahan kita.. Please.." Pakiusap ng binata kay Samantha..
"Huwag na, ayaw muna kitang makita.." Sagot ng dalaga before patayin ang telepono nito....
I am dead now.. Sambit na lang ng binata..
Luminga-linga sa loob ng bar si Mateo para makita ang babae.. Napansin nya si Marge at andun nga talaga ang dalaga..
"Love," sabi nito sa dalaga na lumingon naman sa kanya..
"O bakit andito ka, bumalik ka na dun sa Stacy mo." . Pasupladang sagot ng dalaga na pilit tinatanggal ang pagkakayakap ng binata kahit miss na miss na nya ito..
"Bitiwan mo nga ako" , sabi pa ng dalaga...
Love naman, huwag naman ganito.." Pakiusap ng binata.
Aalis na ang dalaga ng biglang may umabrisiete kay Mateo..
" Who is she babe, "maarteng sagot nito..
" She's the girl I bump into earlier.. Kilala mo pala siya.." Dagdag na tanong nito..
Hindi na nakaimik si Mateo. Ayaw na dagdagan ang sama ng loob ni Samantha.
Naiinis na tumayo si Samantha ng hindi man lang sumagot si Mateo sa tanong kung sino siya.. Dun pa lang nya napatunayan na wala talaga syang halaga sa binata.. Umalis na lang sila ni Marge pero umaasa na susundan siya ng binata pero walang sumunod sa kanila kaya napaiyak na lang siya.
"Dear ano yun?" Tanong ni Marge pagdating nila sa parking lot..
"Samahan mo na lang ako sa bahay.. I need someone to talk to.." Pakiusap nito sa dalaga..
"Ok convoy tayo dear.. Dahan-dahan ka lang sa pagdadrive. I know your vulnerable right now.." Paalala ng dalaga
"Yes, I will, don't worry.." Sagot ni Samantha sa kaibigan.
Pagdating sa bahay, napahikbi na ang dalaga sa sala na syang naabutan ng kaibigan..
"Dear huwag mo munang dibdibin yun, diba hindi pa naman nakapag-usap ni Mateo.. Give him a chance na magpaliwanag sayo.."
"Hindi ko alam Marge kung maniniwala pa ako sa kanya ngayon.. Nagsinungaling na siya sa akin."
"Hindi pa natin alam ang totoong rason kung bakit ganun ang Ginawa nya.. Mag-usap muna kayo.. Alam ko mahal mo siya at mahal ka din nya sa tingin ko.."
"Mahal nya ako? Hindi nya ako mahal, kasi wala naman syang sinasabing ganun.. Playboy will always be a playboy, pinaglaruan nya ako" , umiiyak na Saad ng dalaga..
"Mahal ko siya pero anung Ginawa nya nagsinungaling siya sa akin.. Hindi ko ito sinasabi sayo kasi gusto Kong manalo sa pustahan natin at makapunta ako sa ibang bansa. Pustahan natin na maging bf ko siya kasi ang totoo mahal ko talaga siya Marge.." Madamdaming tugon ng dalaga..
"Mahal mo ako pero pinagpustahan nyo ako para makalibot ka sa buong mundo? Bat hindi mo na lang hiniling yan sa akin Sam, kaya kitang ilibot sa buong mundo. Hindi tong pagpupustahan nyo pa ako.. Yan ba ang sinasabi mong mahal mo ako.. Kung mahal mo ako hindi mo ko kailangang pagpustahan. "Galit na sigaw ng binata na kinawindang ni Samantha..
Nakasunod pala si Mateo sa kanila ng kaibigan. Mukhang galit na galit talaga ito sa kanya.
" Let me explain love.. Let me explain," habang niyakap ang binata na winasiwas na lang nito..
"Hindi ko na kailangan ang explanation mo.. Kaya ayaw Kong magmahal dahil hindi naman ako sineseryoso, pero nadale mo ako minahal din kita pero dapat hindi pala kasi nagsinungaling ka sa akin.."
Nakikita sa mata ng binata ang sakit na lalong nagpaluha sa dalaga..
" Love when I say I love you I mean it." Pagsumamo ng dalaga.
"Really now, I won't believe you anymore, dahil lang sa pustahan kaya mo ako pinakisamahan, hindi mo talaga ako minahal. Ang sakit nun" ..
At umalis na ang binata.. Pinaharurot na nito ang sasakyan.
"Dear kailangan ko siya makausap. Samahan mo naman ako.. Magulo ang utak ko ngayon. Ayaw Kong matapos ang araw na ito na hindi kami magkakaayos.."