Sinundan nila ang binata na bumalik nga sa bar kung saan nya ito nakita kanina..
Pinuntahan ito ni Samantha to find out na kasama nito si Stacy na inaalo ang binata na nagpupuyos pa rin sa galit dahil sa kanya..
"Love can we talk.." Pakiusap ng dalaga na nagpalingon sa binata..
"No need for us to talk.. I've already known you as a person who shouldn't be trusted.." Tinig ng binata na nakapagpawindang sa dalaga..
"Bakit ka ba sumunod.. Kasama ba to sa pustahan? Sabihin mo lang dahil ako mismo ang magbabayad o gusto mo kasama pa ako para hindi mo na kailangan pa ng lalaki para makasama mo sa kama.."
Dun na nagpanting ang tenga ng dalaga at nasampal nya si Mateo.
"Wala kang karapatang paratangan ako ng ganyan.." At humagulgol na ang dalaga..
"Ano ang ginawa mo sa akin? Gusto mo akong paglaruan, gagawin mong bf para makalibot ka ng ibang bansa.. Masakit marinig yun sa babaeng mahal ko pero huli na ang lahat.. I've had enough.. You can leave now, I don't need you anymore since nakuha ko naman ang gusto ko.. "
Sinampal siya uli ni Samantha dahil sa masasamang salitang binitawan nya kahit ayaw nyang sabihin yun dahil sa nakikitang pagluha ng dalaga.. Gustong gusto na nyang yakapin ang dalaga para maibsan ang sakit ng pinagsasabi nya pero hindi na nya mababawi yun.. Nasaktan din siya.. Gusto muna nyang mag-isip.
Ayaw maampat ang pagbagsak ng luha ng dalaga na kinabahala naman ni Marge na nagmamaneho ng sasakyan ni Samantha.
"Sam, tahan na.. Hindi siya worth it. Huwag mo na muna isipin yun ha.. You need to rest please..."
"I can't Marge, mahal na mahal ko siya pero ayaw nya akong pakinggan. Hindi ko na alam gagawin ko ngayon.. Gusto ko siya makausap pero ayaw nya ko bigyan ng pagkakataon.."
"Bukas mo na lang uli kausapin Sam. Baka bukas OK na siya.
Mahirap kausap ang tanong ayaw makinig sa paliwanag.. Antayin mo munang humupa ung galit nun.. Huwag mong salubungin.. Magkakasakitan lang kayo.." Paliwanag ni Marge..
"Magkasama sila ni Stacy, baka bukas sila na nung babaeng yun.." Nangangambang sabi ni Samantha..
"Kung matino syang tao, Di muna siya maghahanap ng kapalit mo. Sa tingin ko mahal ka talaga nya.. Hindi naman yun gagawa siguro ng ganung bagay.. Ang mabuti pa magpahinga ka.. Magpaganda ka bukas bago mo siya harapin. Huwag kang patatalbog sa babaeng yun.. Ang payat naman nun, ikaw makurba ba.. At may malaki kang hinaharap.. Dun pa lang talo mo na siya." Pag-aalo ng dalaga sa kaibigan..
Nang maihatid na nya ang dalaga sa kwarto umuwi na din si Marge at pinayuhan na din nito si Samantha na maghinay-hinay muna.. Pag-isipan muna ang hakbang na gagawin para maibalik kung anu mang namamagitan dito at kay Mateo.
Halos lunurin na din ni Mateo sa alak ang sarili. Hindi nya matanggap na pinaglaruan lang siya ng dalaga. Minahal nya ito.. Kaya nyang pagsabayin ang pagpapalago ng negosyo at ang pagmamahalan nila ngunit binigo siya ng dalaga.. Wala na itong magagawa kung hindi man nya ito kausapin. Mahal pa rin nya ang dalaga ngunit mas nangingibabaw ang galit nya dito.
"Pare-parehas lang kayo.. Gusto nyo lang ang atensyon at pagkatapos nyo pakinabangan saka nyo iiwanan".
Ganun ang nararamdaman ng binata sa ngayon.. Di nya lubos maisip na ganung klase ang dalaga..
Tumatawag ang mama niya ng makita nyang umiilaw ang cellphone nya.
"Ma napatawag ka.." Bungad nito sa ina..
"Iho, may pagtitipon dito sa farm sa linggo. Pagpapasalamat sa magandang takbo ng negosyo at expansion ng meat processing natin.. Huwag mong kalimutang dalhin si Samantha.. Magtatampo ako sayo.."
"Ma, hindi ko alam kung makakasama siya." Tanggi ng binata sa ina..
Ayaw na muna nyang malaman na nagkakalabuan sila ng babae dahil na rin sa kakagawan ng dalaga.. Di pa nya alam kung magiging OK sila nito..
"Basta Iho aasahan ko kayo ni Samantha, don't make me beg for it.." Nagtatampong sabi ng ina bago nito binaba ang telepono.
Hindi na alam ng binata kung panu ipapaliwanag sa ina kung bakit hindi nya maisasama si Samantha sa farm.. Bahala na, sambit na lang ng binata.
Naiirita din si Mateo kay Stacy kasi buntot ito ng buntot sa kanya.. Hindi naman nya mapagsabihan at business partner nya ito.. Pagsasabihan na lang nya na hindi tama na naghahangad pa ito ng lagpas pagkakaibigan kasi hindi nya ito maibibigay sa dalaga..
Hinatid na ni Stacy si Mateo sa condo dahil hindi na nito kaya magdrive.. Nakakita ito ng pagkakataon na masolo ang binata..
"There you go handsome. Binagsak na nya ang binata sa kama at unti-unting hinuhubaran.." Umuungol lang ang binata sa kalasingan..
"Sam bakit mo to ginawa.. Mahal na mahal kita" . Sabi ng binata habang nakapikit.
Nagulat man si Stacy ngunit hindi iyon dahilan para maisakatuparan ang balak sa binata. Gusto nyang mapasakanya ang binata whatever it takes.
Hinubad na nya lahat ang damit ng binata at tinabihan ito ng nakahubad din siya...
Sapo ang ulo dahil sa sakit kinabukasan pagkagising ni Mateo at nagulat siya ng makitang nakahubad din si Stacy sa tabi nya..
"What the hell are you doing here?" Bulalas ng binata sa naalimpungatan din na dalaga..
"I was with you the other night, we made love.. It was fun and I love it." Ngiting sabi ng dalaga..
"Thats not true.. I didn't remember anything.. I am sure we did not screw.. You can now get out before I throw you myself.." Galit na sigaw ng binata..
"You wouldn't want me do it.." Dagdag pa ng binata na nakatayo na para magtungo sa banyo..
"Make sure to lock the door when you leave and hoping you are not here anymore before I am done taking a bath.. I will not make an excuse because you are my business partner and remember this always. I am not mixing business with pleasure, hope you understand that Stacy.. I don't want any complications when it comes to work.. I hope it is clear to you." Dagdag pa ng binata bago pumasok sa banyo.