Alam ni Mateo na walang nangyari sa kanila dahil nag-install siya ng cctv camera sa kwarto para malaman nya kung anu ginagawa ng tagapaglinis nya ng condo pag wala siya. Napatunayan nyang natulog lang sila.. Nakita lang ni Stacy katawan nya at hindi naman ito lugi sa nakita. Mabuti na lang at wala namang nangyari sa kanila. Baka pag nalaman ni Samantha na pumunta si Stacy sa kwarto niya lalo silang hindi magkakaayos. Hindi pa tapos ang mga bagay na dapat nilang ayusin at pag-usapan. Pumasok na siya sa opisina after nya maligo. Dun na lang din siya mag-a almusal. Namimiss na nya si Samantha ngunit galit pa rin siya dito.. Pwede naman siguro nyang imbitahan ito sa farm kahit civil lang sila. Ayaw naman nyang magtampo ang ina.. Hindi lang nya alam kung panu ito iimbitahan.. Bahala na, sabi

