Inalalayan ni Ryker si Fairoze na makahiga na sa kama. Maingat niya 'tong hinawakan at pagkatapos kinumutan. Hinalikan niya naman sa noo si Fairoze. “Sleep well, mahal.” “Hindi ka pa ba matutulog?” tanong naman ni Fairoze. Umiling si Ryker. “Nand'yan lang naman ako sa upuan,” aniya sabay turo sa upuan na malapit sa bintana. “Hindi ako makatulog kaya gusto ko munang uminom,” dagdag niya. “Napapadalas yata ang pag-inom mo. Hindi ka ba masaya?” ani Fairoze nang makaupo na si Ryker sa upuan at nagsimula nang uminom ng alak. Pagkatapos sumimsim ni Ryker ay tinignan niya na ang kanyang asawa at ngumiti ito. “Mahal, iinom lang ako dahil hindi ako makatulog.” “Hindi mo sinagot ang tanong ko.” Bahagya namang natawa si Ryker. “Masayang-masaya, mahal.” “So, what's the problem?” tanong pa ulit

