Bago ikasal si Ibbie at Wilder, nauna nang mag-propose si Daem kay Rara. Naudlot lang din ang kanilang kasalan dahil sa nangyari kay Samantha. Flashback (Mga panahong tahimik at nagpapahinga ang mga tao sa Mafia Island.) Lumala ang kalagayan ng Ina ni Rara, problema na naman ito dahil sa Ama niyang namatay. Kahit gano'n ang kalagayan ng Ina ni Rara ay hindi siya iniwan ni Daem. Tinutulungan pa nga ni Daem si Rara, maski ang pamilya ni Daem ay dinadalaw ang kaibigan nilang si Samantha. Umaasa si Rara na magiging maayos pa ang kalagayan ng kanyang Ina ngunit mas lumala lang ito. Hanggang sa malaman ni Rara na umiinom ng isang klase ng droga ang kanyang Ina na ang tawag ay LSD o Lysergic acid diethylamide. Isang hallucinogenic drug na nagbibigay epekto sa altered thoughts, feelings

