Marahang niyakap ni Zurikka si Kane mula sa likod, pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa baywang nito habang ang baba niya ay nakapatong sa balikat ni Kane. Kasalukuyan silang nasa dalampasigan. “Mukhang malalim ‘yang iniisip mo,” ani Zurikka. Hinila naman siya ni Kane paharap sa kanya. “Are you mad?” Marahan namang pinisil ni Zurikka ang pisngi ni Kane. “Of course not. I’m just kidding,” nakangiting sabi niya. “Pero nasaktan talaga ako sa sinabi mo kanina,” dagdag niya at bahagyang umiwas nang tingin. Kaagad naman siyang hinalikan ni Kane sa labi. “I’m sorry,” aniya at kinuha na ang maliit na box mula sa kanyang coat na suot. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Zurikka, napatakip sa kanyang bibig. “Kane…Is this true?” Tumango si Kane at binuksan na ang box na naglalaman ng isa

