Makalipas ang ilang buwan. Lahat ay bumalik na sa kani-kanilang responsibilidad matapos ang nakakalungkot na pangyayari sa kanilang buhay. Tinanggap nila ito ng lubos at ginawa nilang inspirasyon upang mas maging malakas pa sa mga susunod na henerasyon. Ginampanan ni Amira ang kanyang tungkulin bilang Reyna ng Mafia Island. Hanggang ngayon, inihahanda ni Amira ang kanyang sarili para baguhin ang patakaran sa Mafia Island. Sa tulong ng kanyang mga kaibigang Mafiusu't Mafiusa, alam niyang magagawa niya 'to. Kailangan niya lamang ng tamang oras at panahon. At ngayon… Kasalukuyan nang ikinakasal si Ibbie White ng Innocent Gang at Wilder Gill ng Dragons Gang. “Akalain mo nga naman, mauuna pa sila sa atin,” hindi makapaniwalang sabi ni Ryker kay Fairoze. Natawa na lamang si Fairoze habang m

