Hindi makapaniwala si Amira sa kanyang mga narinig. Ayaw niyang paniwalaan ang sinabi ng doktor na wala ng pag-asa ang kanyang Ama. Ipinaliwanag lahat ng doktor kung ano nga ba talaga ang tunay na kalagayan ng kanyang Ama na hindi sinabi sa kanya ni Herald. “Maaari pang gumaling ang Hari kung umiinom siya sa tamang oras ng gamot at papayag siyang maoperahan namin ngunit ayaw niya.” “No, that's not true,” paulit-ulit na sabi ni Amira. “It's getting worse, Princess. Mahina na ang puso niya.” Naghihintay naman ang siyam sa labas ng kwarto ng Hari. “Sa tingin n’yo kaya magiging okay pa ang Hari?” tanong ni Ibbie. “Sana nga,” tugon ni Fairoze. “Hindi na,” tuluyan nang nagsalita si Rara kaya napunta ang atensyon nila sa kanya. “Kahapon nang samahan ko si Ina, nalaman ko na wala ng oras an

