CHAPTER 41

1192 Words

Kasalukuyang nagpapahinga si Amira sa ospital dahil sa labis na pagod, nagpaulan pa siya kaya nawalan siya ng malay at dumagdag pa ang init sa kanyang katawan dahil nilalagnat pala siya. Nanatili si Mortem sa tabi ni Amira, nakapagpalit na rin siya ng damit. Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang Ama ni Amira, nagbigay-galang si Mortem sa kanya. “Patawad, King,” paghingi nang tawad ni Mortem dahil hindi niya naiuwi kaagad si Amira. Umiling naman ang Hari. “Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Ayos na sa akin na hindi mo siya iniwan. Naiintindihan ko naman si Amira na lubos siyang nasaktan sa sitwasyon,” at tinapik niya ang balikat ni Mortem. “Sana hindi ka magbago, Mortem,” dagdag niya habang nakatingin sa kanyang anak. “Sana mahalin mo ng buong-buo si Amira, h’wag kang gagaya sa akin.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD