Lahat ay nagluluksa na sa pagkamatay ng lolo ni Amira na kanilang Maestro. Ang hiling ng Ama ni Herald ay hindi na siya iburol kaya nandito na sila ngayon sa sementeryo para sa panandaliang libing ng lolo ni Amira. Nasa tabi ni Amira ang Ama niya, nakaakbay ito sa kanya habang siya ay hindi pa rin natigil sa pag-iyak. “Anak, tahan na. Panigurado akong nagkita na sila ng lola mo. Masaya na si Ama kaya tumahan ka na, makakapagpahinga na siya.” “Alam ko naman 'yon, Ama. Ang sakin lang, hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya.” Hinaplos na lamang ni Herald ang likod ni Amira hanggang sa tumahan 'to. Nasa likod naman ang siyam na Gang na nakikiramay sa pagkamatay ng kanilang Maestro. Lahat ng mga Mafiusa ay umiiyak at hindi matanggap ang pagkamatay ni Maestro kahit alam na nila ang naging

