CHAPTER 39

1416 Words

6 PM. Lahat ng pagkain ay nakahanda na sa lamesa. Nakaupo na rin si Maestro sa kabisera habang ang Ama ni Amira ay nasa kanan pumwesto. Kasalukuyan namang hinihintay ni Amira si Mortem sa labas ng kanilang mansyon. “Herald, totoo bang wala ka ng galit sa anak ni Gin Davies?” Sumimsim muna si Herald ng tubig bago sagutin ang kanyang Ama. “Wala naman talaga akong galit sadyang dinamay ko lang ang anak niya, Ama.” “Mukhang madami tayong pag-uusapan ngayon, Herald.” Bahagya namang natawa si Herald at saka tumango. “Tama ka riyan, Ama. Kay tagal na rin no’ng huli tayong nagsama sa hapag.” Natigil lamang ang usapan nila nang dumating na si Amira at Mortem. Tumungo muna si Mortem sa dalawang Mafiusu bago umupo sa kaliwang upuan katabi ni Amira. “Mortem, nakikita kong madami ng nagbago sa'y

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD