Masaya naman ang napagsamahan namin na oras nina MJ, Cheska at ang kapatid niyang si Nathan. “Hindi ko talaga alam na may kapatid kang lalaki, Cheska! Akala ko kanina... alam mo na kasi naman nabigla talaga ako na may makita na kasama kang ibang lalaki bukod kay Rap,” saad ko. Biglang bumigay ang mga blocks sa jengga na nilalaro namin nang sabihin ko iyon. Si Cheska na kasi ang bumubunot at mukhang nagulat siya sa sinabi ko. “Oo kasi alam mo na ‘di ba nag-migrate na ang family namin sa States kaya naman ngayon mo lang siya nakita,” turan naman niya. Mukhang hindi naman siya nagulat kasi nakangiti pa rin siya habang kausap ako. “Kaya ba hindi sila close ni MJ?” tanong ko pa. “Oo, kasi mas bata si Nathan sa amin ng limang taon,” sagot naman ni Cheska. “Hindi kasi namin trip na makipag

