Ever since na nakilala ko si Nathan na siyang nakababatang kapatid ni Cheska ay palagi ko na itong nakikita sa lugar namin. Hindi ko alam pero may kakaiba sa kaniyang tingin. I mean, medyo creepy dahil palagi ko siyang nahuhuli na nakatingin sa akin at kapag nagkakatagpo ang aming paningin ay bigla na lang siyang ngingisi. Kaya nga sa tuwing magdidilig ako ng halaman sa tapat ng bahay ay binabantayan ko muna ang kaliwa’t kanan na daan at baka nariyan na naman si Nathan sa paligid. Usually, nandiyan siya thrice a week kung hindi ako nagkakamali ay iba-iba ang araw ng pagpunta niya rito siguro para hindi masabing stalker— na hindi naman talaga dahil nga sa kapatid siya ni Cheska na asawa naman ni Rap ma aking dating minahal! Pero ngayon ay iniba ko ang schedule ko sa pagdidilig. Kung dat

