Kinabukasan, nagtungo agad ako sa ospital upang bisitahin at kumustahin na rin ang lagay ni Manong. Natahimik pa nga ako nang itanong niya sa akin kung bakit ako sa kaniya dumiretso imbes na sa studio. “They cancelled all their children in the studio,” I said in a lively voice. Nagulat sila Manong at masasabi kong malungkot din dahil sa nangyari kaya naman mas tinodo ko pa ang energy ko sa harapan nila. Ayaw ko naman siyang mamoblema dahil may iniinda na siyang sakit. “Nako! Ayos lang, Manong! May mga mag-eenroll pa rin naman sa studio kahit na nagsi-alisan na ang mga bata,” wika ko pa. Gusto ko sanang manatiling masaya sa harapan nila pero hindi ko inaasahan na narinig pala ni MJ ang sinabi ko dahil dito rin siya dumiretso at hindi sa studio. Sakto pagbukas niya ng pinto ay ang pagsab

