Chapter 87

926 Words

Matapos ang halos isang linggo na pamamalagi rito ay sa wakas makakalabas na ng ospital si Manong. Nakatutuwa pa nga dahil kahapon ay natapos na agad ang harapan nila at saktong-sakto sa pag-uwi ni Manong. Pinadalhan pa nga ako ng pictures ni Ram na talagang puno ang tindahan ng mga goods kaya naman sobrang gandang tignan ng negosyo para kay Manong at sa kaniyang pamilya. Hindi naman namin isinikrito ang tungkol sa tindahan kaya naman labis ang kasiyahan ni Manong nang makita ang larawan ng kaniyang harapang bahay. “Wow! Hindi ako makapaghintay na maka-uwi at magbantay sa tindahan,” aniya. “Nako! Alam mo na ang bawal sa iyo kaya naman huwag kang sasalisi kapag ikaw ang nagbabantay,” saad naman ni Aling Charing. Napasimangot pa si Manong dahil sa sinabi ng kaniyang asawa na talaga nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD